Eviction ni Justin Dizon, di tanggap ng netizens?

Sa naganap na first eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect kagabi, ang Courageous Cabalen ng Pampanga na si Justin Dizon ang napalabas ng bahay ni Kuya.

Naging kontrobersyal si Justin nitong mga nakaraang araw dahil sa ilang pangyayari na kinasangkutan niya sa loob ng bahay. (Basahin dito.)

Sa kaniyang paglabas, sari-sari ang naging reaksyon ng mga manonood.

Kapansin-pansin na kahit na inulan siya ng batikos sa Twitter nitong mga nakaraang araw, marami naman ngayon ang nag-react na tila hindi tanggap na siya ang unang napalabas ng PBB house.

May mga nagsabi na mas nababagay ang strong personality at pagiging prangka ni Justin upang mas mapalabas ang totoong ugali at pagkatao ng mga kapwa niya housemates.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Ikaw, ano ang reaksyon mo sa eviction ni Justin? Siya rin ba ang gusto mong unang mapalabas ng bahay ni Kuya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: