Pari, di napigilang mag-react sa sintunadong choir

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang video ng isang pari habang nagmimisa.

Sa simula ay parang ordinaryong video lamang ito ngunit nang nagsimula nang umawit ang choir ng simbahan, kapansin-pansin ang tila pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng pari.

Hindi nito itinago ang pagkadismaya sa tila wala sa tonong pagkanta ng mga miyembro ng choir.

Matapos umawit ang choir, napasabi na lang ang pari ng:

Ano ba ‘yan?

Video: TikTok | @mscristyenicolas

Kinatuwaan ng mga netizens ang pagkaprangka ng pari at direktang pagkokomento nito tungkol sa pag-awit ng choir ng simbahan.

Biro ng ilan, baka puyat daw si father kaya kitang-kitang mabilis na nagbago ang facial expression nito habang nakikinig sa choir.

Sabi naman ng isang comment, normal lamang daw sa mga pari ang maging perfectionist habang ito ay nagmimisa dahil nga para sa Panginoong ang seremonyang ito.

Biro ng isa pa, bawas “ligtas points” daw siguro siya sa langit dahil sa pagtawa niya sa naging reaction ni father.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: