PBA player Scottie Thompson, ikinasal sa ibang babae limang buwan matapos ang engagement sa girlfriend

Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang pagpapakasal ng PBA player na si Scottie Thompson at ng social media personality na si Jinky Serrano.

Ikinagulat ng mga tagahanga ng basketball player ang balita dahil nito lamang January ng taong ito, naibalita ang engagement nito sa long-time girlfriend na si Pauline Fajardo.

At limang buwan nga lamang makalipas ang nasabing proposal, ikinasal na si Scottie sa ibang babae.

Dahil dito, marami ang nagulat na hindi ang girlfriend niya sa loob ng walong taon na si Pau ang nakatuluyan niya.

Narito ang komento ng ilang netizens (published as is).

“Kasal na nga nagkakahiwalay pa. Mas masasaktan ka kung hiwalayan ka tapos may mga batang magsa suffer ng desisyon nyo, buti nga yan earlier nalaman nilang hindi sila para sa isat isa, masakit pero may magagawa kaba para baguhin…”

“D naman cgro dapat husgahan ung mga personal decision nung tao.cgro baka may nakita lng siya sa bago niya na feel niya siya ung karapat dapat na maging kasama niya habambuhay.true talaga ang sinasabi ng mga matatanda na d basihan ang haba ng isang relasyon na masasabi natin sa sa simbahan talaga ang tuloy. At hanggat wla pang kasulatan na pinirmahan wla pa talagang assurance yan”

“ganun talaga pag nawala na yung love wala na.di naman yun maiiwasan . di mo mapipilit yung isang tao na mag stay sayo kung wala na syang pagmamahal na nararamdaman. masakit nga lang talaga.”

“Well kaya nga tayo may kanya kanyang buhay para di pakialaman ang buhay ng iba. Yes masakit yun para sa side ni pau pero hndi ntin alam ang buong kwento kya wag natin cla husgahan 😅 at least engage p lng cla hndi pa kasal 😂 yun iba nga kasal na nagloloko pa 😂 hayaan natin buhay nila yan”

“Kaumay na yang linyahan na yan, narinig ko na din yan. Just let go… A wrong person will never be right for you khit anong gawin mo. Just pray and focus on yourself. Sana di dumating ung time na lumuhod sayo yang lalaki at magsisi sa huli. Sarap sampalin ng stiletto mga ganyang lalaki. Been there, done that. Hmp!”

“Buhay nila yan. Di naman natin alam ang buong kwento. Hayaan na natin sila.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: