Naantig ang damdamin ng netizens sa isang post ng crew ng Jollibee na nagkuwento tungkol sa isang nakakalungkot na karanasan.
Sa Facebook post ni Mark Noguera, ibinahagi nito ang lungkot na nadama dahil sa mensahe ng isa sa mga naging customer nila sa araw na iyon.
Nang magliligpit na raw siya ng mga pinagkainan ay napansin niya ang isang tissue na may sulat pala mula sa isang babaeng customer.
Nang basahin niya ang sulat ay naantig ang kanyang damdamin.
Ang sabi sa sulat:
“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C–R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito.
“Thank you Jollibee sa uulitin :)”
Ipinost naman ito ni Mark sa Facebook at nag-iwan ng mensahe para sa di pa nakikilalang babae.
“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all.
“Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po.
“On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”
Agad na umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post.
Narito ang komento ng ilang netizens (published as is).
“Laking Jollibee din ako kaya ramdam ko si Ate.”
“Kapit lang, ate. Malalampasan mo din yan.”
“Nothing is impossible. Tiwala lang, ate. Keep on praying.”
“Gagaling ka ate. Claim it. maipapanalo mo ang laban na yan. Have faith.”
“Aww… I will pray for you ate. Sana talaga gumaling ka na at nang makapag Jollibee ka na ulit.”
“Parang nakipag-break lang si ate kay Jollibee ah. tapos “it’s not you, it’s me” ang linyahan.”
“Naluha naman ako dito. Gagaling ka ate. Pray lang tayo at manampalataya.”
Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?