Vice Ganda, trending sa Twitter dahil sa mga matatapang na pahayag sa ‘It’s Showtime’

Trending topic kahapon sa Twitter si Vice Ganda dahil sa binitiwan nitong ilang matatapang na pahayag sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime.”

Sa segment na “ReIna ng Tahanan” kung saan kasama niyang nagho-host si Vhong Navarro, nabanggit ng isang contestant ang pangalan ni Quezon City congressman Alfred Vargas.

Agad sumagot si Vice at nagtanong, “Ah, yung congressman?”

Hindi pa siya nagpapagili at sunod-sunod ang naging pasimpleng pagbanat.

“Tapos nag-inhibit noong botohan ng ano… ng [ABS-CBN] franchise… Si Alfred Vargas.”

Matatandaan na isa si Alfred sa 70 congressmen na bumoto sa pagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN noong nakaraang taon.

Nagresulta ito sa pagpapatigil ng broadcast ng network na ikinawala ng trabaho ng marami nitong empleyado at pagkalugi ng nasabing kumpanya.

Hirit pa ni Vice, “So, alam n’yo na… sa eleksiyon.”

Agad naging usap-usapan sa social media lalo na sa Twitter ang mga naging pahayg ni Vice.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens tungkol dito.

Narito ang ilan pang komento ng mga netizens.

“Grabe yung impact ni Vice. Even without a franchise, he has the power to affect the masses. Looks like he’s making better use of it this time around.”

“So alam nyo na. Medyo mahaba yung listahan.”

“Minsan vice says the right things haha”

“The shade!! Pero nu ka dyan vhong? Hirap ka bonding ha”

“Why naman kase mashoshokot sa truth di ba? I stan forevs u, Mima <3”

“Dragging Alfred Vargas on live TV hahaha”

“I love that  @vicegandako is now using her platform sa mga ganitong issues. Louder!!! At sana sa iba ding isyung panlipunan po”

“Viceeeee Hahahahaha So alam nyo na ha di lang yung nag-inhibit, lahat ng bumoto against sa franchise renewal ng ABS-CBN sa eleksyon next year bawian”

“Ang tapang ni Vice! Mana Kay Ogie Diaz!”

“Wow! Wag tayong makakalimot!”

“Sana nanonood si Alfred ngayon. HAHAHAHAHAHAHA”

“Sa ABS pa naman nagsimula si Afred bilang artista. Ano na?”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: