Hinangan ng netizens ang mga bata na gumawa ng kakaibang cake bilang regalo para sa ama noong Father’s Day.
Sa post ng Facebook page na Kigan South Upi Maguindanao, wala umanong perang pambili ng cake ang mga bata kaya nakaisip sila ng paraan para magkaroon pa rin ng cake para sa ama.
Ayon sa caption ng post:
“Dahil walang pambili ng cake ang mga bata gumawa sila ng sariling cake gamit ang lupa at mga bulaklak upang mag bigay pugay sa araw ng mga tatay.”
Base sa mga larawang kasama ng post, makikita ang saya ng mga bata na nakapaghanda pa rin sila ng regalo para sa ama.
Kinagiliwan ng netizens ang mga bata sa nasabing post.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Kapag gusto talaga, may paraan.”
“Patunay ito na hidi lahat ay kayang bilhin ng pera.”
“Nakaka-touch naman ang ginawa ng mga bata.”
“I-KMJS na yan!”
“Wow! Ang sarap naman sa pakiramdam ng ganyan. Samantalang yung iba, di man lang makaalala sa ama.”
“Mga ganitong bata ang masarap mahalin. God bless sa inyo.”
“Nice. Sana ipagpatuloy nyo yan. Lumaki sana kayo na may respeto at pagmamahal sa ama.”
“Sana all may ama pa. Na-miss ko naman bigla ang tatay ko.”
“Wow!!! Siguradong napalaki nang maayos ang mga batang ito.”
“Para sa mga kagaya kong lumaki nang walang ama, mapapasabi ka na lang talaga ng Sana All.”
“Pintaunayan ng mga bata na hindi kailangang mamahalin ang regalo para mapasaya natin ang ating mga magulang.”
“Bakit parang hindi naman happy si tatay dun sa piktyur? Char lang! Hehe! Alam ko deep inside sobrang thankful nyan.”
“Na-miss ko naman bigla si Papa. Sana masaya ka na dyan sa heaven at sana binabantayan mo pa rin ako.”
“Lalaki sigurong mga baker ang mga batang ito. Char!”
“Na-miss ko naman bigla ang mga anak ko. Sa akin, sapat na ang yakap kahit na wala ng regalo o kung ano pa.”
Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?