MMDA traffic enforcer na nagtitinda ng kakanin tuwing day off, inulan ng papuri mula sa netizens

Trending sa social media ang isang video na ini-upload ng isang netizen na pumakyaw sa mga panindang kakanin ng isang MMDA traffic enforcer sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa post ng kilalang gamer/streamer na si Elyson Caranza o “Ghost Wrecker,” makikita ang isang MMDA personnel na nag-aalok ng paninda nitong kakanin.

PHOTO: Facebook | Elyson Caranza

Makikita sa video na nakasuot pa ng face mask at helmet ng MMDA ang lalaki.

Noong una ay natakot pa ang uploader ng video dahil inakala nilang sisitahin sila kung kaya’t kumakatok ang lalaki sa bintana ng kanilang sasakyan.

Sa kwento ng MMDA personnel, nagtitinda siya ng kakanin tuwing day off para kumita ng pandagdag sa panggastos ng kanyang pamilya sa araw-araw.

PHOTO: Facebook | Elyson Caranza

Noong una ay dalawang piraso lamang ang binili nina Elyson ngunit kalaunan ay nagdesisyon sila na pakyawin na lamang ang paninda ng enforcer para makauwi na ito.

Agad dinagsa ang nasabing post ng samu’t saring reaksiyon at papuri mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Saludo po ako sa inyong dalawa.. Nakakaproud ang makitang nagtutulungan ang kapwa Pilipino.. God bless po sa inyo.. Salamat sa pagsharing ng video nyo..”

“saludo poh aq kuya MMDA…parehas lumaban!!!”Happy father’s day poh!!!”

“Ganito dapat Ang mga taong dapat pinapasikat hindi Yung poro nalng tau reklama mabuhay po kayo ma’am and sir god bless and good health po lagi at Kay kuya vendor narin po”

“Si tatay ang buhay na patunay na meron pa ding matitino sa hanay ng MMDA..di lahat gaya ng mga napapanood natin..sana tularan si tatay ng iba pang enforcers mapaMMDA man or sa LGU..keep grinding tatay.”

“Sya ung sinita dati na kahit naka duty nag bibinta ng kakanin ok naman d naman natanggal sa puwesto nya ..”

“sir naluha tuloy ako sa video nyo ..nakaka touch..marami parin talagang may mabubuting puso..pati kay tatay na nag bebenta parang wakang pag sidlan sa tuwa kasi malay natin kung ano rin pinag dadaanan nya sa buhay.”

“Dpat gnon maging halimbawa C kuya MMDA d Iba jn tuwing lingo kahit off duty nag aabang Sa sulok😁 d nman lhat”

“nkkahanga ung ganung tao lalo na enforcer na yun.. sana ganun lhat cla pra ndi massira ung emage ng MMDA…at sa inyo sir na tomolong npkabuti nyo rin tao sana dumami prin ang katulad nyo na mahhabagin ang loob sa kapwa.”

“ganyan talaga ang nga pinoy matulungin yan pinoy tayo sa bumili ng paninda mo sir kahit Hindi kita kilala saludo ako sa sir,mabuhay ka sir”

As of this writing, mayroon nang 16K shares at 2.8 million views ang nasabing video.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebookwww.facebook.com/thepinoydaily

Twitterwww.twitter.com/thepinoydaily

Instagramwww.instagram.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: