Kiray Celis, may paalala sa mga tumatangkilik ng fake; ilang netizens, nag-react

Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang isang Instagram post ni Kiray Celis.

Sa nasabing post kasi, ipinagmalaki ni Kiray ang bagong biling mamahaling bag.

“Ang ganda! Kasing liit ko rin. At kasing mahal ko rin ng presyo since mahal ako ng jowa ko. HAHAHAHAHAHA!”

Nag-iwan din siya ng paalala sa mga bumibili at gumagamit ng mga fake.

“P.S.. Wag po tayo gumamit ng fake ha?! Kung hindi natin kaya bumili ng mga ganito kamahal, eh di yung brand nalang po na mas mura at kaya natin. Pero wag natin suportahan yung mga gumagaya sa mga brand nato tapos ibebenta ng mas mura.”

“Oo. Nasa nagdadala yan. Pero dun parin tayo sa totoo. At kapag totoo at legit, syempre matibay. Mahal pero matagal nating magagamit.. at pwede ibenta mga totoo kahit preloved! 💛💛💛”

 Agad na nag-react ang ilan sa kanyang mga followers at sumang-ayon sa sinabi niya.

“Tama ang sabi ni kiray, wag bbili ng fake. Opt for a brand na keri ng budget. ❤️”

“Love what you said! Pag di kaya bumili, magipon. Hindi yung papatol tayo sa fake para lang makaporma. Stealing yun. 😵‍💫”

 “Generic and local brands are good too, especially gawang Pinas, gawang Marikina. Madameng leather goods tayo na pwedeng ipagmalaki.❤️”

“I agree. Using counterfeit items is like cheating yourself. Kahit pa close to orig yan, waley pa rin. Might as well go for cheaper brands, at least orig. Or better go with local brands. Makakatulong pa sa kapwa pinoy.”

May ilan din namang tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Kiray at tinawag siyang mayabang.

“Pake mo ba kung fake lng kaya eh gusto ko.Wala ka nmang pake kung fake,gindi mo nmn pera pinambili ng fake,dami mo hanash,Lv lng yan hindi hermes!”

“nakabili lang ng LV kala mo kung sino na hahaha nagremind pa samantalang yung ibang artista na collector talaga ng mga designer bags tahimik lang walang ek ek na ganyan 😂😂😂”

“Nagyabang sa kanyang maliit na lv😂”

“dame mo hanas kala mo nmn nka hermes na🤣ignorante ordnaryong lv lng yan hndi yan ung lv na mamahalin kaya wag ka umasta na prang ang mahal ng nabili mo tse🤣🤣”

“Gasino na yang nabili mo gurl wag ka masyado feeling sa post mo. First time mo magka lv bag? Haha. Mukang di naman din bagay sayo.”

“DAMI MONG SAT SAT BRUHA KA ANG PANGIT MO NAMAN DI NAMAN BAGAY SAU PANDAK NA MALA TUKMOL PA MUKHA.Ano un ung ibang tao wala silang karapatan gumamit ng fake kahit un lang afford nila.Wag masyado mataas ang tingin sarili bruha pangit mo nga eh.NAHIYA NAMAN SILA ANNE CURTIS AT HEART SAU na ang daming mamahalin bags pero tahimik lang ikaw nakabili lang ng maliit na LV akala mo sino kana.”

“MAKA FAKE KA NAMAN😆😆😆 EH SA TAO KA LANG DIN NAMAN BUMILI HINDI SA MALL OR GREENBELT HAHAHAHA SURE KABA 100% NA TUNAY YANG LV MO🤪🤪🤪 -LUMANG VAG”

 Bisitahin ang nasabing Instagram post dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: