Facebook post ng driver ng isang nabanggang kotse, inulan ng komento mula sa netizens

Viral ngayon sa social media ang post tungkol sa isang nangyaring banggaan sa Tuguegarao City.

Sa Facebook post ni Francis Anthony Semana, ikinuwento niya ang detalye ng nangyaring insidente.

PHOTO: Facebook | Francis Anthony Semana

“Nagpark si manong sa likod ko at iniwan ang sasakyan para mag withdraw. Walang handbreak so bumangga siya sakin.

“Pinuntahan ko siya sa ATM. Kakawithdraw and may hawak siyang pera. Hindi niya maitago na may pera siya.😂😂

“Ako: Kuya, wala kayong handbreak? Tinamaan niyo ko.

“Manong: (ninenerbyos at luma pa ang plaka.) Pasensya na anak. Hindi ko alam. Namumutla at nanginginig.

“Ako: Kuya, taga saan po ba kayo?

“Manong: Taga Iguig pa ako. Pasensya kana tlga.

“Ako: Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin. Buhay tayo parehas. Ingat na lang po kayo sa byahe.

“Busina and kaway palayo.

“Ung mga maliliit na bagay na pwede naman idaan sa magandang usapan. Ganun na lang. Palipasin na lang. Andami daming problema ngayong pandemya. Wag idaan sa init ng ulo. Spread Love guys.”

PHOTO: Facebook | Francis Anthony Semana

Agad umani ng mga komento ang nasabing Facebook post.

Narito ang ilan sa sinasabi ng netizens.

“God bless sayo kuya! As long as kalma din naman tlaga ung may kasalanan at inadmit nya ng malumanay kasalanan niya, walang magiging problema. Maayos na usapan lang ang kailangan. Isipin natin ang sitwasyon ng bawat isa. Spead goodness! Spread Love.”

“Pagpalain ka kuya! Marami akong nakitang ganito sa kalsada ung iba nag cause pa ng heavy traffic para sa isang bangas…”

“Salute poh…tama ka mas mhlga parn poh ang buhay kesa sa mga bagay na pwede pa namang ibalik o ayusin..Godbless u poh”

“Isa kang magadang halimbawa kapatid..sana lahat nang tao katulad mo kapatid..spread love to others..”

“Nakakatayo ng balahibo 😁 Salute sayo kuya. Sana dumami pa yung tulad mo. Salute sayo mag kabilang kamay 😅 Godbless po sayo”

“Tama. Sana lahat ganyan sa kalsada, give and take and vice versa.”

“Taong dapat tularan, hindi mo alam kung anong pinag dadaanan ng tao ngayon, baka yung pera na hawak nya is may importante pang paglalaanan. Sana patuloy ka pang i bless ni God.”

“Nakakahawa ang paggawa ng mabuti lalo na kapag ang inaasahan nya ay galit pero sa halip aang dumating ay pagpapatawad. Kapag si manong naman ang nabangga maalala nya ang iyong ginawa. 🙂”

Bisitahin ang nasabing post dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

aaaaaaaaaaaaa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!