Wedding organizer, nagtago sa loob ng gown ng bride dahil sa sobrang lakas ng hangin

Nakahakot na ng 1.7 million views (as of this writing) ang pinag-uusapang video kung saan mapapanood ang kakaibang ginawa ng isang wedding organizer sa isang kasal.

Sa Facebook post ni Lunesa Roel, sinabi niyang kinailangan niyang magtago sa loob ng wedding gown dahil hindi makalakad nang maayos ang bride sa sobrang lakas ng hangin.

Nagdesisyon siyang pumasok sa loob ng gown upang mapigilan ang paglipad ng gown.

PHOTO: Facebook | Lunesa Roel

Aniya sa caption ng post:

“Malingaw lang gyud ko nga naa kos ilawm sa gown sa bride while nag paso sa aisle 😅😅 malingaw gyud ko mag tan aw ay.🤣🤣🤣

“Sa ka kosog sa hangin nisoong nalang kos ilawm 😅😅 para makapaso lang si bride🤣”

PHOTO: Facebook | Lunesa Roel

Agad itong umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Hindi pa tapos yung kasal lumabas yung anak malaki na.”

“The intention maybe good but it looked bad/ disaster. While the bride walks down the aisle bigla ba namang lumabas ang lalaki from under the skirt of the bride’s gown. 😱I’m lost of words. 🙈”

“Nakakalungkot yung ganitong pangyayari. Yung uncontrollable situation . I am sure hindi ganito ang inaasahan ng bride, groom at wedding organizer. Kudos sa wedding organizer for doing such thing for the bride para lang maisalba ng maayos ang wedding march. Deserve nilang lahat ang maayos at memorable na wedding event. God bless you all.”

“Dedication and commitment two thumbs up sa organizer.”

“Double celebration ata. Wedding at chinese new year. May pa dragon dance si kuya🤣”

PHOTO: Facebook | Lunesa Roel

“Sigurado ako, yung organizer ay bakla, so wala namang malisya, baka nga bff pa ng bride, kasi hindi naman siguro papayag yung bride na may magtago ng di nya kilala sa gown nya!!!”

“Bakit pumasok pa sa loob? Kung malakas ang hangin ano ginagawa ng maid of honor? Pwede naman siya ang humila o umangat sa gown ng bride. Kaya nga brides maid para mag assist sa bride.”

“I think its better if tinulungan na lang maglakad yung bride from the outside pero kudos parin sa organizer for helping the bride maayos lang yung kasal hindi nga lang maganda yung outcome”

“Bading nman yung lumabas sa gown, wag kayong ano.. Hirap maglakad si ate sa gown nya kaya to the rescue si sis.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: