Mga pulis na naninita sa mga walang suot na face shield, wala ring suot na face shield?

Nag-viral sa social media ang isang video ng mga pulis na naninita ng mga pasahero sa bus na walang suot na face shield.

Ayon sa Facebook post ni Zack Marcuz Heisenberg, naninita ang mga pulis ng mga walang suot na face shield habang ang mga ito ay wala rin namang suot na face shield.

PHOTO: Facebook | Zack Marcuz Heisenberg

Ito ang ikinuwento niya sa isang Facebook live video.

“Biglang pinahinto ang bus pinababa ang pinsan ko tapos maninita wala daw faceshield kahit naka faceshield kami? Pilit kinuha ang ID namin at mag bayad daw sa Quezon City hall ng 300? Kakapal nman ng mukha nyo maningil ng mga tao sa panahon natong gipit ang lahat?

“Kitang kita sa live na kayong mismo na naninita walang faceshield! Kaya walang asenso ang ating bansa dahil kayo mismo na mga nasa serbisyo mang gugulang ng mga sarili nyong kababayan!! Nakakahiya kayo!!”

PHOTO: Facebook | Zack Marcuz Heisenberg

“Naintindihan ko sana ang paumanhin mo pero likas na bastos ang mga tao mo sir, sinabi kong bday ng pamangkin ko kakantahan ako ng pulis mo ng happy bday?, mga tao mo at mismong nagtiticket walang faceshield? hindi mo kahit na kailan maitutuwid ang batas kung sarili mong mga tao walang disiplina. Mga bastos!!

“Mga pulis po ito hindi sundalo. Sorry po at nabigkas ko po kayo. 🙏”

PHOTO: Facebook | Zack Marcuz Heisenberg

Agad nag-viral ang nasabig video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Sobrang matatalilo na talaga mga pulis ngayon..manghuhuli ng wlang face shield eh sila rin nman wlang face shield..yan ang sobrang talino naging bobo.”

“Dapat sa mga police na yan bigyan ng liksyon ung nag utos na manghuli sa wlang face shield.”

“Ang tatalino ng Autoridad nanghuhuli ng walang face shield tas cla din pala ay walang face shield..paano po yun hepe?”

“Oo nga nman cla ang naninita tapos wala rin silang face shield a hindi tama yun dapat sila mismo ang sumunod na mag face shield din bakit hindi sila naka face shield mali yan dapat huwag silang manita kapag wala silang face shield maling maling ginawa ng mga pulis nayan.”

“Bulok talaga batas ng pinas, sila ok lng na walang face shield kc sila ang nanghuhuli, dapat hinuli nyo din sila citizen arrest pra matauhan”

“Kapag kayo, exempted sa batas na ipinapatupad nyo?!”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

 

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: