Pictures nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao, ikinabigla ng mga netizens

Ikinagulat ng publiko ang mga naglabasang larawan nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao.

Ang mga ito ay bahagi ng mga eksena sa kanilang pelikula na “Revirginized.”

Ibinahagi ng Megastar ang mga larawang ito sa kanyang Instagram account.

Aniya sa caption:

“Titigan nyo na pong mabuti. Kasi baka may liliit na po sa pics na yan. Hahahaha! Pawiii!!! Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha! Namiss kita bigla! Ahahahahahahaha!”

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

“OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink Tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!)”

Ang nasabing pelikula ay idinirek ni Daryl Yap at ipinrodyus ng Viva Films.

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

Agad na nag-react ang ilan sa mga tagahanga ng Megastar at nagbigay ng kanilang saloobin tungkol sa mga nasabing larawan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Di mo tlga akalain na nasa 55 years old na si mega! Kahit saang film genre mo ilagay, panalo talaga! Buti supportive si Sen. Kiko kay megastar.”

“First time ko makita si idol sa ganitong eksena. At in fairness OKs naman. Congrats Megastar.😍”

“Ang Cool talaga ni Megastar. kaya niya gawin hindi naman siya hirap at magaling naman siya sa comedy.”

“Parang lamang lang din si megastar ng ilang taon kay marco. di mo tlga maiisip na 55 na si mega”

“Only a veteran actress like Sharon Cuneta can pull a scene like this and still look wholesome.”

“Diyosmiomarimar! Ano yan Shawie? Medyo mahalay ay dating pero mukha namang nagkakasiyahan kayo. Aabangan ko pa rin yan.”

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

May ilan din namang tila hindi ikinatuwa ang mga larawan at nag-iwan ng kanilang puna.

Narito ang ilan sa kanilang mga sinasabi (published as is).

“hahahahaha dapat di n sya nag artista ulit mging kontento n s buhay may asawa at pamilya…kung kailan tumanda saka p ngkgnyan….akala ko p nmn hindi sya mhilig s gnyan….”

“kung kailan pa tumanda saka ka nagsuot ng ganyan noong teenager at dalaga at sexy pa sana ..ang sagwa ang laki ng boobs ..fans ako noon ngaun hindi na ..ano kaya ang nangyari ????”

“Wala na ata pera toh kung ano ano pinag gagawa. Senator pa namn din asawa mo hindi kana nahiya..”

“nku kung kelan tumanda saka lumandi..sana nun wla kpa asawa ginawa mo yan..”

“kung kailan ka tumanda at your age di kana bagay your kids are grown up tapos Somali ka sa malaswang role hello”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: