Video ng pagtulong ng isang driver sa isang naliligaw na delivery rider sa NLEX, viral sa social media

Nag-viral sa social media ang video kung saan makikita ang pagtulong ng isang concerned citizen sa isang delivery rider na naligaw sa NLEX.

Sa post ni Gab Constantino, makikita ang isang delivery rider na tila naliligaw na sa kahabaan ng expressway.

PHOTO: Facebook | Gab Constantino

Hinintuan agad ito ni Gab at tinanong kung ano ang problema.

Nang malaman niya na naliligaw na nga ito, isinakay na niya ito sa kanyang van pati na ang motorsiklo nito.

PHOTO: Facebook | Gab Constantino
PHOTO: Facebook | Gab Constantino

Ibinababa niya ito sa may gasolinahan at itnuro ang tamang daan.

Nang bumababa na ang delivery rider, makikita sa video na may iniaabot ito kay Gab na tinanggihan naman nito.

PHOTO: Facebook | Gab Constantino

Makikita sa mukha ng delivery rider ang ngiti ng pasasalamat sa kabutihang ipinakita sa kanya ng isang estranhero sa kalsada.

deliverPHOTO: Facebook | Gab ConstantinoAgad na nag-viral ang nasabing post at inulan ng papuri ang driver na tumulong sa delivery rider.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Mabuhay kayo sir. Diyos ang maksusukli sa inyo.”

“Napakabuti nyo po kua sna lahat ng makasalubong n motorista n nag kakamali ng way sna po tinutulungan hndi po ung pinag tatawanan daig p ng demonyo kung makatawa kpag may taong mali ang n gagawa salute po sau kua..”

“Galing yan ang tunay pinoy magmahal ng kapwa..pagpalain ka brod ng Diyos at sa pamilya mo..”

“Salamat sa inyo mga boss. Salute and Respect! God bless mga bossing. Ingt sa byahe. Isa kang #Ridershero 💪💪💪”

“napakabait at maunawain ni kuya driver! Good job mga boss”

“God bless sayo sir,kung hindi mo sinakay sigardo huli si kuya,un kita nia mapupunta sa pang tubos,god bless sir salute”

“Kung ang isp ng lahat ng kagayo nyo walang maghihirap sa mundo. God bless sir. Mahal ka ng bansang Pilipinas.”

“good job sir bihira ang ganyan tao na may malasakit sa kapwa”

Panoorin dito ang nasabing viral video na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 900K views.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: