Heart Evangelista, sinagot ang basher na nagsabing edited ang pictures niya

Naging usap-usapan kamakailan ang mga Instagram posts ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Nag-post kasi siya ng mga bikini pics na bihirang-bihira lamang niyang gawin.

Kaya naman naging sentro agad ito ng mga komento ng netizens na humanga sa taglay niyang ganda at kaseksihan.

PHOTO: Instagram | Heart Evangelista

Ngunit gaya ng madalas mangyari sa mga posts ng celebrities, sumulpot pa rin ang ilang bashers na pawang mga negatibo ang ikinukomento.

Isang netizen na nagsabing isang graphic artist ang nagkomento ng obserbasyon nito sa mga larawan ng aktres.

Ayon dito, halata naman daw na edited ang larawan ni Heart.

“The second photo is obviously edited.”

Nilinaw din nito na hindi ito basher ng aktres.

“You better get a good graphic artist. Not a basher tho, just from graphic artist’s eyes and opinion.”

Hinikayat din nito si Heart na ipakita sa pamamagitan ng isang video upang patunayan na hindi filtered o edited ang larawan.

“I dare her to show a live video na ganyang-ganyan siya kaputi at kapayat and even her distorted rib and forearm. Lol! Everything’s edited and filtered. Real talk.”

PHOTO: Instagram | Heart Evangelista

Hindi naman pinalamapas ng aktres ang nasabing comment.

Sinabi niya na gumamit lamang siya ng filter para bumagay ang pictures sa kanyang Instagram feed.

Ipinaliwanag din niya na ang katawan niya ay produkto ng ‘hard work’.

“If I edited I should [have] hired the best photog.”

“All I edited is the filter to fit my feed. It’s all hard work. As you know I don’t post stuff like this. But with Kim King’s Kitchen, we worked so hard to get healthy and fit.”

“So enough with the negative stuff. We don’t need that stuff now darling.”

PHOTO: Instagram | Heart Evangelista

Hindi na bago kay Heart ang ganito dahil isa siya sa madalas na sumasagot sa mga ganitong klase ng komento mula sa mga tagahanga at bashers.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: