Pagtatalo ng dalawang riders na nauwi sa pisikalan, nakuhanan ng video

Viral ngayon sa social media ang isang video tampok ang dalawang riders na nagkainitan at nauwi sa suntukan.

Sa video na ini-upload ng Facebook page na Saxonwheels MotoVlog, makikita ang ang pagtatalo ng dalawang lalaki hanggang sa tuluyan nang nauwi sa pisikalan.

PHOTO: Facebook | Saxonwheels MotoVlog

Ayon sa kuwento, nagsimula raw ang pag-aaway dahil sa pagsasabi ng “f*ck you!” ng lalaking naka-blue matapos itong hindi pagbigyan sa daan ng lalaking naka-itim.

Ito umano ang nagpainit ng ulo ng lalaking naka-itim kung kaya’t nagsimula na ang pagtatalo.

PHOTO: Facebook | Saxonwheels MotoVlog

Makikita sa video na may mga kapwa riders sila na tila umaawat sa matensiyong pagtatalo ng dalawa.

Nakuhanan din ng video na unang sumuntok ang lalaking naka-itim.

PHOTO: Facebook | Saxonwheels MotoVlog

Agad namang umawat ang ilan pang lalaki na nasa paligid nila.

PHOTO: Facebook | Saxonwheels MotoVlog

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“hindi dapat manakit.. swerte nya nakatapat sya ng ganon tao.. lakas ng loob nya kasi ..sana hindi sya makatapat ng malupit pa sa kanya..siguro yun lng ang kaya nya.naku po !tsk tsk.”

“MUkhang may pambayad naman si long hair rider. Okay lang yan, kung gaano kalaki ego mo, dapat ganun din kalaki laman ng bulsa mo, sapak lang ng sapak, vandal lang, kaso lang yan, nababayaran naman, importante, nailabas mo sama ng loob mo, di ba? ikaw na bida! paano kung ang laki nmn ng ego mo eh ang liit pa ng laman ng bulsa mo? naku yare tayo dyan… tsk tsk tsk! naka pamakyo narin naman ng pagkadamidami si long hair, di pa nakontento!”

“Mali si blue mayabang Kahit cno nmn pagpinakyu ka tas sinabihan kp ng bobo magiinit ang ulo ang mali lang ni kuya long hair sinapok nya Kung sana dinikitan p nya edi sana pinalo muna siya ng helmet nung nakablue saka nya binugbog edi my laban siya sa korte .mali kuya mali ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚”

“Sa panahon ngayon d dapt idaan s init ng ulo dapt mahinahon po tayo,pag usap ng maayos hingi ng sorry kung sn mn nag Ka mali para tapos ang usapan ksi pg idaan m s init ng Ulo lalo LNG lumala imbes maliit lng n problema lumaki tuloy tas sa huli sisi nmn bkit dinaan s init ng ulo..nkakainis tingnan ang video dpat nag tutulungan tayo s panahon ngayon d ung nagsaskitan tayu…”

“Para sa akin lang kung nagpakumbaba ang nakablue at ayaw niya ng away kasi nakahinto na sila humingi sana siya ng despensa para wala ng gulo para saan ba yung magsisigaw siya na officer ka ba kung namakyu nga siya? Tsaka hindi kaba mananapak kung ikaw pa yung pinakyu tas tawagin kapang bubu..yan tuloy…sorry is just 5 letters hindi naman mababawasan pera mo o pagkatao mo kung hihingi ka ng sorry”

“Hindi naman sana hahaba yan aalis na yun isa pinigilan pa nia.. ayan tuloy nakasohan.kapa nakakahiya lang kayo”

“Parehas may mali sa salitaan pero ang mas mali ay manakit ka. Mas lalong mali ang nanakit.”

“Hindi sapat na dahilan ang finuckyou o minura ka para manakit. maliban nalang kung binato, dinuraan, o sinuntok ka.”

As of this writing, mayroon ng 12 million views ang nasabing video.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! ๐Ÿ˜

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: