Nanalo bilang grand champion sa katatapos na season 3 ng ABS-CBN celebrity impersonation competition na Your Face Sounds Familiar ang tinaguriang ‘The Soul Diva’ na si Klarisse De Guzman.
Marami ang ipinagbunyi ang pagkapanalo niya lalo na at consistent na matataas na score ang nakukuha niya sa weekly competition.
Sa katunayan, sa nakalipas na 12 weeks bago ang finals night ay apat na beses na nanalo bilang weekly winner si Klarisse.
Ito ay sa impersonation niya kina Jaya (week 3), Minnie Riperton (week 5), Sharon Cuneta (week 9), at Aretha Franklin (week 11).
Sa finals night naman ay ginaya niya ang American singer-songwriter na si Patti LaBelle.
Bagama’t maraming natuwa sa pagkapanalo niya, may ilang netizens din naman ang pumuna sa kanyang final transformation.
Ayon sa kanila tila ‘racist’ ang ginawa niyang panggagaya.
“Ang hirap panuorin ng performance niya dito. i’m a Klarisse fan and I don’t stand by with this choice to do blackface. She already did it TWICE. She has nailed both performances pa naman.”
ang hirap panuorin ng performance niya dito. i'm a Klarisse fan and I don't stand by with this choice to do blackface. She already did it TWICE. She has nailed both performances pa naman. https://t.co/jClYXGznPH
— edgar THE bietzsche (@daybergent) May 30, 2021
“Except for the blackface, kinilabutan ako dito ah. Klarisse deserves to win. Though sana, di sya nakablackface later when she wins, pag inulit ang perf nya it will be gold”
Except for the blackface, kinilabutan ako dito ah. Klarisse deserves to win. Though sana, di sya nakablackface later when she wins, pag inulit ang perf nya it will be gold https://t.co/kviOO5bc7a
— vladimir (@iskongchill) May 30, 2021
Support talent, not blackface. I feel like Klarisse had less say in this than the producers. YIKES. https://t.co/0uaZO2cwlN
— Support Life (@MikkoArgonza) May 29, 2021
A lot of people criticizing her for being blackface, I don't understand why kasi your FACE sounds FAMILIAR nga diba? Alangan naman paputiin si Patti Labelle na mahusay na black singer. Anyways kahit ano naman gawin may mapapansin pa rin talaga, Klarisse De Guzman deserve to win!
— Josh (@jshtxn) May 29, 2021
Controversial, but hear me out.
I don't think this is blackface. She was trying to complete a look, and the intent of the show had always been to honor and not to mock.
Blackface was historically used for mockery and portraying caricatures with exaggerated features. https://t.co/OKKDO0h6ov
— Myork (@TheRealMyork) May 30, 2021
Wala pang inilalabas na reaksiyon ang programa at si Klarisse hinggil sa nasabing issue.
Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily