Angeline Quinto, ‘pinatulan’ at sinagot ang kanyang mga bashers

Sa kanyang latest vlog, nagbasa at sumagot ang singer-actress na si Angeline Quinto ng mga ‘mean comments’ sa kanya ng ilan sa kanyang mga bashers.

Bago pa man niya ito i-upload sa kanyang YouTube channel, nilinaw na niya sa isang Instagram post na hindi naman siya nagagalit sa mga bashers dahil sanay naman na siya sa mga ito.

Usually guys wala talaga akong violent reactions dahil nakakatawa naman talaga ang pagka-mean ng mga bashers 😅 Sanay na sanay na akong ma warshock

Una niyang binasa at sinagot ang isang comment na may sinabi patungkol sa ugali niya: “Sana bago mo pinaretoke mukha mo ugali mo muna sana inayos mo.”

Pabiro naman itong sinagot ng singer-actress:

Alam mo diyan ako nalulungkot, kasi kung pwede nga lang iparetoke din ang ugali, ginawa ko na. Pero kung gusto mo, sabay tayo. Mas maganda yun. Kaya lang, magpapa-schedule pa tayo kay Dr. Vicki Belo kasi busy yung tao. At itatanong ko lang, kung meron kang gustong iparetoke sa ugali ko, ano ba yun? Nang mai-take note ko naman at hindi ko makalimutan kung sakaling mag Belo ako, ipapagawa naten yan. Mas maganda kung sabay na tayo. Kaloka ha.

Ang isinunod naman niyang binasa ay ang comment tungkol sa pagiging retokada niya: “Hala. Super retokada na siya. Hindi ko tuloy namukhaan.”

Tinawanan lang niya ito at sinagot na pati nga siya ay hindi na niya namumukhaan ang sarili niya minsan.

Ang sumunod namang comment ay nagsabing pangit ang pagkakagawa ng ilong niya.

Sinagot naman niya ito na pangit talaga ang ilong niya at nilinaw niyang hindi siya nagpagawa nito.

Ikinuwento rin niya na may isang buto ang ilong niya na medyo lumihis dahil sa isang pangyayari noong mas bata pa siya.

Ilan pa sa binasa niyang comments ay ang pagtawag sa kanya ng ‘arina queen’ at ang pagsasabi na matangos ang baba niya.

Matapos basahin at sagutin ang lahat ng mga comment ay nag-iwan siya ng mensahe sa mga bashers niya.

Sa lahat po ng mga nababasa kong mga pangba-bash, sa mga nagko-comment po sa aking ng hindi magaganda, okay lang po yan. Kung makikilala ko man kayo nang personal, makakasama ko kayo nang personal, isa lang ang masisiguro ko sa inyo. Pakikisamahan ko parin kayo nang maayos, nang may respeto. Kagaya ng mga pakikisama ko sa lahat ng mga artista na nakatrabaho ko.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: