Enforcer na walang suot na face mask, naninita ng hindi naka-face mask

Viral ngayon sa social media ang isang video ng paninita ng isang lalaking nakasuot ng uniporme ng  City Traffic and Parking Management Office (CTPMO) sa dalawang lalaking walang suot na face mask.

Tatanungin ko lang ang violation namin, sir.

Ito ang maririnig na tanong ng isa sa mga lalaking hinuhuli ng nasabing enforcer.

Ang paliwanag naman ng enforcer ay “improper face mask” umano ang violation ng dalawa bilang bahagi ng city ordinance.

Hinihingi nito ang lisensiya at ID ng dalawang lalaki.

Nang sitahin ng isa sa mga hinuhuli ang enforcer na walang suot na face mask ay saka pa lamang ito nagsuot ng sariling face mask.

Ang katwiran ng isa sa hinuhuli, kung safety nila ang concern kung kaya’t sinisita sila dahil wala silang suot na face mask, bakit wala ring face mask ang enforcer habang kausap sila?

Nangatwiran naman ang enforcer na nagpapaliwanag siya kung kaya wala siyang suot na face mask.

Hindi pumayag ang mga lalaki na ibigay ang kanilang lisensiya at ID sa enforcer.

Sasama na lamang daw sila sa barangay at doon magpapaliwanag.

Agad nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Wag agad huli ng huli…meron nmn pla face mash..sinabihan mo na paki lagay..kung di sumunod saka mo ticketan…ikaw din ganun hindi nakasuot…pano ka pamamarisan kung ikaw mismo di mo ginagawa…my god!”

“Dapat ang nagpapatupad,unang unang sumusunod sa batas”

“Potanes na yan alam ko talaga maraming kamote rider at kamote driver sa daan pero uso rin pala kamote enforcer kahit saan”

“kapag alam mo mali, kahit ginagawa pa ng iba, piliin mo pa rin gawin ang tama.”

“huwag mo hayaan na may reklamo ibabato sa iyo para mas maparusahan ang tunay na maysala.”

“magsilbing aral sa mga naninita at mga nasisita na, alagaan natin ang ating kalusugan habang tayo ay lumalaban pa sa panahon ng pandemya.”

“May nadagdag n nman n b*bo,buguk n enforcer sarap sampalin ang animal”

“Kasabihan NGA JN mukhang Tanga lng ung imforcer kulang dn s Aral Yan eh,,,eh ngyn artista n xa sikat tlga”

“Parang normal naman yung mga nag papatupad na sila yung hindi unang nasunod..mukang madami atang ganyan..”

“Me masisibak n nmn s pwesto….pahinga kna manong!mukhang wla kna s hulog..”

“Bat kaya may taong ganito sa mundo.sila na un mali sila sa un magmarunong para lagyan ng bulak sa ilong.”

“Hnahanap nyo ng proper face mask nah nsa loob ng sskyan ung hinuhuli nyo. Oh my gulay”

“Ang daming walang trabaho na may pinag aralan pero bakit eto pa kinuha nyo”

“kung nka baba man face mask ng nsa sasakyan pwd mo sitahin at isuot ng maayos, pero yung kukunin mo lisensya katangahan mo yun”

“tanga yan kita ka sa camera naninita ka mayabang kapa sumunod ka muna sa batas bago ka manita”

“i.d lang pwede mo kunin, lisensya bawal, Wala silang nilabag na traffic violation”

“Bugok wala k karapatan kuhanin lisencya nun driver taga baranggay k lng hindot ka”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: