Kapatid ni Jam Magno, umapela sa publiko na irespeto ang privacy ng kanilang pamilya

Idinaan sa Facebook post ni Dia Nicole Magno, kapatid ng kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno, ang isang mensahe sa publiko.

I have been receiving so many messages and comments on social media sites about the opinions of my sister.

Nilinaw niya na ang anumang opinyon ng kapatid na si Jam ay sarili lamang nitong opinyon at hindi sumasalamin sa opinyon ng kanilang buong pamilya.

I would like to reiterate that her personal opinion and stand on matters concerning national interest do not reflect our views as a family or even myself.

Umapela rin siya sa publiko na irespeto ang privacy niya at ng kanilang pamilya.

We are private citizens and we appeal to all of you to respect our privacy as individuals. My family has endured so much from this whole ordeal already and we only wish to be granted respect and peace.

Ikinabahala raw niya ang nagiging epekto sa kanyang mga magulang ng mga pambabatikos ng publiko.

Personally, I do not concern myself with the negativities being hurled my way especially by people who do not personally know me, but I have seen how recent events have affected my family, particularly my parents, and my only hope is that you spare them from the anguish of having to deal with all this hatred. Mental health is an issue I take seriously and I hope people understand the kind of pain and alienation that negative comments can have towards a family that has done nothing to harm anyone.

Matatandaang madalas na nasasangkot sa kontrobersiya ang kapatid nitong si Jam na kilalang tagasuporta ng administrasyong Duterte.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ito sa social media dahil sa pambabatikos sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Nasangkot din ito sa pakikipagsagutan sa singer-actress na si Mystika matapos ipagtanggol ng huli si Rabiya.

Kabilang din sa mga binatikos nitong personalidad sina Ogie Diaz, Liza Soberano, Angel Locsin, at iba pa.

Basahin dito ang kabuuan ng Facebook post ni Dia.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: