YouTuber na gumamit ng lobo para ‘paliparin’ ang alagang aso, umani ng batikos

Sa kulungan ang bagsak ng isang sikat na Indian YouTuber matapos umani ng batikos ang ginawa niya sa kanyang latest video.

Sa vlog na ini-upload ni Gaurav Sharma sa kanyang YouTube channel nong May 21, pinag-eksperimentuhan niya ang kanyang alagang aso na si Dollar.

Tinalian niya ito ng ilang piraso ng lobo at sinubukang palutangin sa ere at ‘paliparin’.

Maririnig pa ang vlogger na tila natutuwa sa kanyang ginagawa at sinabing “Chalo ab Dollar ko udate hain” (Paliparin na natin si Dollar).

Makikita rin ang pag-angat ni Dollar sa ere at ang pag-abot nito sa balcony ng bahay.

Sa hiwalay na eksena rin sa video, makikitang nasa park ang vlogger kasama ang isa pang babae.

Dito naman ay sinubukan niyang patakbuhin ang alagang aso na hawak ng kasama niyang babae.

Makalipas ang ilang sandali ay binitiwan na ito ng babae at muling ‘lumipad’ sa ere ang alagang aso.

Agad itong umani ng batikos mula sa publiko.

Nagsampa kaagad ng reklamo ang grupong ‘People for Animals Society’ dahil ang ginawa ng vlogger ay isa umanong paglabag sa ‘Prevention to Cruelty to Animal Act’ ng Indian Penal Code.

Inaresto ng mga awtoridad ang nasabing vlogger at hiningan ng paliwanag hinggil sa reklamo.

Tinanggal na sa kanyang YouTube channel ang nasabing video at humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang mga subscribers.

Whoever is angry with me, I apologize with folded hands. I understand this was a big mistake.

Ipinaliwanag din niyang mahal niya ang alagang aso at hindi niya nais na saktan ito.

I’m unmarried and Dollar is like my child.

In my old videos on YouTube you can see, I shop for Dollar for summers, winters. I buy him treats, I take him out. I even celebrate his birthday by inviting other dogs.

Iginiit din niya na may mga safety precautions na nakalatag habang ginagawa ang nasabing kontrobersiyal na video ngunit tanggap na niya ang kanyang pagkakamali.

Isa si Sharma sa mga kilalang YouTubers sa India at mayroon na itong halos 5 million subscribers sa kasalukuyan.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!