Food delivery driver, humingi ng tulong matapos saktan ng may-ari ng kotse na nasagi

Idinaan sa isang Facebook post ng isang food delivery rider ang paghingi ng tulong matapos masangkot sa isang insidente sa San Fernando, Pampanga.

Sa post ni Jason Tumangday sa Facebook group na Grab Pampanga and Angeles City Transpo and Services, ibinahagi niya ang naging karanasan sa may-ari ng sasakyan na nasagi niya nang hindi sinasadya.

PHOTO: Facebook | Jason Tumangday

Ang sabi niya sa post:

patulong naman po bigla ako sinapak nasagi ko po ng hindi sinasadya ang sasakyan dto sa may select shell northwalk 2..  san fernando pampanga.. pati babaeng kawork ko na grab rider sinapak din po umaawat lang at nag vivideo,,pagkatapos po nya manakit pumasok sya sa loob ng select..

Kasama sa post ang isang video na kuha ng kasamahan niyang delivery rider.

PHOTO: Facebook | Jason Tumangday

Nakuhanan din sa video ang pagtatanggol kay Jason ng kanyang mga kasamahang delivery riders.

PHOTO: Facebook | Jason Tumangday

Agad nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Di nalang nag pasensya. Gasgas lang yan pwede ipagawa. Saken nga bnew fortuner nasagi hinayaan ko lang normal yan pag ginagamit sasakyan. Depende nalang if sadya talaga magagalit ka. Pero di naman sinadya ng tao”

“Hind po ako mapanghusga pero yong mga lalaking nanakit mga kahinahinala hind naman po sila mukang mayaman muka silang mga criminal”

“Buti nlng may laging handang tumulong s kapwa salute kay ate”

“Salute po ako sa inyo ate mayabang sila hindi naman sinasadya ng tao pwede naman kausapin ng maayos kung ano dapat gawin.pasikatin yan mga taong abusado.”

“ang yabang nman nyan…ndi nman kgandahan ang sa2kyan…kung my sira pagawa nlang ako n ga2wa nyan hwag lang sa2katan ang grab rider…npka yabang nka kutse lang…”

“Yabang porket mayaman ka .baka yung pag yaman mo ay gawa sa kasamaan”

“Ang kulit pa ng hamba nya ng sampal eh bakla ata Ang lambot humanba.”

“The best k k grab. Ganyan dapat nagkakaisa lahat ng rider para protektahan ang isat isa. Lalo n pg inaabuso”

“Baka naman pabalang ang sagot nung rider kaya nanampal hwag muna kayu humusga tingnan nyo muna buong pangyayare yung eksana panampal ang video yung umpisa wala.”

As of this writing, mayroon nang 11K shares ang nasabing post.

Panoorin ang viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: