HULICAM: Drum ng basura, ninakaw ng isang lalaking naka-SUV

Nag-viral sa social media ang isang CCTV footage kung saan nakuhanan ang aktong pagnanakaw ng isang drum ng basura.

Sa kumakalat na video, makikita ang pagdating ng isang SUV at ang paghinto nito sa isang kalsada.

Makikita rin ang pagbaba ng driver at ang pagbubukas nito ng pintuan sa likod ng sasakyan.

Matapos buksan ang pintuan, palinga-linga ito sa paligid at nang makitang walang ibang tao ay dali-daling binuhat ang isang drum na nagsisilibing basurahan.

Pagkatapos itong maikarga ay sasakyan ay muli itong sumakay at mabilis na umalis sa lugar.

Ipinost ng Facebook page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted ang nasabing video at may caption ito na:

MAG INGAT SA MAGNANAKAW

mahirap pala talaga yung nililinisan ang basurahan, pinag iinteresan.. swerte mo lang at wla ako sa bahay ng mga oras na yan, kung nagkataon, malamang nasa loob ka ng drum na yan..

area: Marilao Bulacan

siguradong may nkakakilala sa sasakyan na yan.. paki tag nlang.. para madala ko sa kanya yung garbage bag..

paki share nlang para maging aware yung iba at mkapag ingat..

Courtesy of Jefferson Cruz Feliciano

Agad itong nag-viral at humakot ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Wag po judgemental! Dati po siyang trasher! Nasanay lang siya na pag may nadaanang basura sa daan ay kukunin niya.”

“sosyal na mangangalakal nka everest”

“T*ng*na akala ko yung everest yung nanakawin basurahan pala anong nangyayari sa mundo may pambili ng kotse pero basurahan wala ampota.”

“Sosyal na magbabasurang iyan,Naka Everest pa e!”

“Tirador ng basurahan!”

“Nangangalakal yan bigtime na.. dating naka kariton ngayun naka Everest na”

“Hahahahahahha walang basurahan sa bahay, pero naka ford everest”

“sa sobrang hirap ng buhay pati basurahan ninanakaw na!!!”

“Yung naka everest ka tapos magnanakaw ka ng plastic drum garbage 😂😂😂”

“250 lng sa junk shop yung ganyang basurahan….🤣”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: