Video ng pananakit ng isang babae sa traffic enforcer, viral sa social media

Nag-viral ang video ng pananakit ng isang babaeng walang lisensiya sa traffic enforcer na sumita sa kanya.

Sa video na ini-upload ng Manila Public Information Office, makikita ang eksena ng pananakit at pakikipagtalo ng nasabing babae.

Ayon sa report, sinita ang babaeng nagmamaneho ng Toyota Fortuner dahil hindi ito huminto kahit na nakapula o stop ang traffic light.

Pinara umano ng traffic enforcer na nakilalang si Marcos Anzures ang babae ngunit hindi huminto ang sasakyan at nauwi ito sa habulan.

Nang abutan ito sa Osmeña Highway ay nadiskubre na wala palang driver’s license ang babae.

Screenshot from Manila Public Information Office’s video

Dahil dito, sinabihan itong sumunod sa impounding area sa Manila.

Dito na nagsimulang makipagtalo ang babae at nauwi ito sa pananakit sa enforcer.

Screenshot from Manila Public Information Office’s video

Pilit nitong binabawi ang OR/CR ng sasakyan na kinuha ng enforcer.

Huli sa video ang ilang beses nitong pananakit sa lalaki kabilang na ang paninipa at pagkalmot dito.

Screenshot from Manila Public Information Office’s video

Ayon din sa report, kakasuhan ang babae ng direct assualt at driving without license.

Nakilala ang babae na si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos, at isang modelo na residente ng Taguig City.

Screenshot from Manila Public Information Office’s video

Agad nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Pinapurihan ng netizens ang enforcer dahil nanatili itong kalmado sa kabila ng inabot na pananakit mula sa babae.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“siguro matagal na yan nag ddrive ng walang license nachempuhan sya ngaun pabebe kumo naka car ayan nahuli ka😂😂😂beng beng beng beng beng”

“Nakakadismaya talaga ugali mo Ate gurl. Naka uniform po yan. Next scene nito public apology haiissstttt.”

“Gusto nya kunin yung or/cr ng kotse kasi di sa kanya yung sasakyan.tapos wala pa sya lisensya”

“Oh ayan dapat pag nag checkpoint or anumang operation ng lto at pulisya dapat po lahat hindi lng mga nka motor kundi pati kotse pribado man o hindi malamang madami jn wla lisensya”

“T*ng*na mo mam. Dapat nga ikulong ka dahil wala ka lisensya. Ikaw pa matapang. Sana masunog kanin nyo pag nag saing kayo.”

“Yung ang ganda ng sasakyan mo tpos ang squamy ng ugali mo 🤮”

“Driving without license???”

“Lakas ng Loob mag drive at di pa sa kanya yung ginamit nyang OR.then magwawala sya at mananakit Dapat kung takot sya mahuli ,di sya ganyan sya pa ang galit?”

“Dapat talaga mahigpitan din ang mga 4 wheels. Mas marami kasi talaga sa kanilang walang lisensya at malakas loob dahil alam hindi sila masisita kung walang violation”

“Tama yan bigyan ng leksyon ikulong nio dapat yan. Driving with out license is a violation alam yan miss tapos iyak iyak ka .pasalamat ka mahaba pasensya ni enforcer. Dapat pusasan na para maiwasan ang sakitan”

“Pasosyal ka l*che ka pero ugaling ewan ka! Pasalamat ka kalmado c sir na enforce baka kung naibaiba yan napatulan ka na sa lahat ng mga pinag gagawa mo sa kanya, ganda ng kotse mo pangkuhan ng lisensya wla ka”

“Yan ang mga mayayaman!! Kelan ba magiging mabait mga yan lalo n mga nka suv at mamahalin sasakyan pag nkasabay mo gigiigitin kpa.. kala m nabili n pagkatao mo! Kulong dapat yan wala areglo nkakahiya k ateh!”

“I admire the enforcer’s patience and professionalism,despite all the the physical and verbal abuse he got,he stood his ground,👏👏👏 he took a beating no doubt,and he deserves a commendation or atleast a promotion”

“iskadalosa masyado,nakakainis ang ugali parang bata kung umasta,mag mamaneho ng walang lisensya tapos syapa matapang,manong nakipag usap ng mayos,may sayad”

Panoorin ang nasabing video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!