Ivana Alawi, may ‘hirit’ sa mga nagsasabing hubadera lang siya

I know myself. Alam kong I’m more than just sa ‘paghuhubad.’

Ito ang naging pahayag ng actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos hingin ang reaksiyon niya sa mga bashers na nagsasabi na hubadera lang siya.

Sa kanyang latest guesting sa I Feel U, ang online show ng Kapamilya actress-host na si Toni Gonzaga, ibinahagi niya ang mga ‘biggest lessons’ na natutunan niya sa buhay.

You have to keep standing up no matter how many times you fall down because God has a better plan for you and you just have to keep going in life because life is beautiful.

Kabilang na rin sa mga natutunan niya ang pananatiling matatag sa lahat ng sinasabi ng mga tao sa kanya lalong-lalo na ang kanyang mga bashers.

Proud ako sa sarili ko eh, bakit ako magpapaapekto sa mga taong tumitingin sa akin pababa?

Naranasan na umano niya ang masabihan ng kung ano-anong masasakit na salita.

Maraming ganun ang sinasabi ‘Panay pakita ka lang ng katawan. Yun lang ang meron ka. Wala ka naman utak.’

Sa kabila ng lahat ng ito ay hindi siya nagpapaapekto lalo na at suportado naman ng kanyang pamilya ang kanyang mga ginagawa.

But I’m proud of myself, nakapagtapos ako sa college, natutulungan ko yung family ko, and I’m happy.

Ang importante raw ay wala naman siyang ntatapakang mga tao sa kanyang ginagawa.

I’m doing what I’m doing and I’m not hurting anyone, marangal na trabaho. Naiinggit lang sila eh and I accept that.

Sa kasalukuyan ay isa si Ivana sa maituturing na social media superstar dahil sa dami ng kanyang tagahanga.

Ang kanyang YouTube channel ay mayroon nang 13 million subscribers.

Mayroon din siyang halos 7 million followers sa Instagram at halos 15 million followers sa kanyang official Facebook account.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: