Money cake na may kakaibang twist, kinaaliwan sa social media

Nag-viral sa social media ang isang video ng isang birthday boy at ng kanyang birthday cake.

PHOTO: Facebook | Clarizze Ramirez

Sa Facebook post ni Clarrize Ramirez, ibinahagi niya ang video ng isang batang nagdiriwang ng kaarawan na niregaluhan ng isang kakaibang money cake.

Ang money cake ang isa sa mga nauusong cake ngayon kung saan may hihilahin piraso ng dekorasyon mula sa cake at mula naman dito ay lalabas ang paper bills na magkakadugtong na nakabalot sa plastic.

Sa video na ito, may kakaibang twist ang ginamit na money cake.

Bukod kasi sa sorpresang pera na nasa loob ng cake, mayroon ding mga tila challenge o hamon bago makuha ang nasabing pera.

Sa unang beses na hinila ang dekorasyon mula sa cake, lumabas ang note na may pagbati ng “Happy birthday”.

Kasunod na nito ang unang pagsubok.

Bago mo makuha ang pera dito, kailangan mo mabasa. Kapag hindi mo mabasa, hindi mo ito makukuha.

May ilang mga salitang Filipino na kailangan munang mabasa ng birthday boy bago niya makuha ang ilang piraso ng twenty-peso bills na nakalagay sa cake.

PHOTO: Facebook | Clarizze Ramirez

Matagumpay namang nabasa ng bata ang mga salita kaya nagpatuloy siya sa sumunod na pagsubok.

Mga English words naman ang sumunod na kailangan niyang basahin.

PHOTO: Facebook | Clarizze Ramirez

Nagtagumpay din siyang malampasan ang nasabing pagsubok.

Ang kasunod naman ay ila ulit note na may nakasulat na direksiyon.

Kailangan mo masagutan ito.

Mga simpleng Math problems naman ang kailangan niyang masagutan.

PHOTO: Facebook | Clarizze Ramirez

Nasagutan naman ng bata ang lahat kung kaya’t makukuha niya lahat ng pera na nasa kanyang birthday cake.

Agad nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Mas natawa ako s mga nag iimikan 😂”

“Xa, inip na ang mangangain😅🤣”

“ay gutom na bago pa makabasa at makahila ay bagya na makakain”

“Kung pahirapan kala koy blue bills hahahah”

“Happy birthday 🎉🎉 pwede nga yang ganyan sa bata hahaha may pera na nakabasa pa 🤣”

“Abay ga pinapahirapan pa ninyung bumasa, hila na agad😂”

“Hahhaha ay dpat nga ganyan at ng matuto”

“Kawawang apo maghihirap bago makuha ang regalo”

 Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: