Nag-viral ang isang video na ini-upload ng isang netizen kung saan mapapanood ang tangkang pag-aresto sa kanya dahil lang sa pagbibisikleta.
Sa Facebook post ni Cyril Bisa, ikinuwento niya ang naging karanasan niya sa tinawag na ‘Oplan Sita’.
A very sad experience with these “NDRRMO officers” and their “OPLAN SITA” (kinda ironic kasi di naman po sita ginawa niyo kasi huli na po yun) I asked for the IATF Guidelines and then this authorized person kept asking if I’m “APOR” or not. I am 22 years old and I am just riding my bike inside our Subdivision (a residential area.)
Ikinadismasya rin niya ang naging asta at salita ng opisyal na nagtangkang manghuli sa kanya.
As seen in the video our argument continued and he then go out and said: “Kaya mo na ba ako? Hubarin ko lang uniporme ko.” Meaning he wants to fight me then? Ang gaganda ng sasakyan ng mga tao na to dito nalang po ba pinupunta yung pera ng Gobyerno? Nasan po ang sistema?
Panoorin ang nasabing viral video dito.
Samantala, naglabas na ng official statement ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula hinggil sa issue.
Sa isang Facebook post ni Cyril Basa kahapon, nakita natin ang pagtatalo sa pagitan niya at ng isang deputized personnel patungkol sa IATF regulations kung mayroon nga bang violation ang mga kabataang nagbibisikleta sa loob ng kanilang subdivision.
Nilinaw din niya na hindi bawal ang pagbibisikleta.
Tayo po sa Pamahalaang Bayan ng Taytay ay malinaw ang paninidigan na ALLOWED ang pag-eehersisyo sa paraan ng NON-CONTACT SPORTS partikular ang pagbibisikleta. Sa katunayan, ako mismo ay patuloy ang paghikayat sa ating mga kababayan na mag-ehersisyo at regular ding nagbibisikleta araw-araw.
Ibinalita rin niya ang nangyaring paghaharap ng mga partido na sangkot sa issue.
Kaya naman ngayong araw ay pinagharap natin ang inirereklamong kawani at ang mga kinatawan ng Greenland Homeowners Association sa ating tanggapan kaninang umaga. Napag-alaman natin ang puno’t dulo ng pag-aaway at kung bakit nais hulihin ng kawani ang nasabing kabataan.
Malinaw umano na mali ang paraan ng pagpapatupad at pagpapaliwanag ng ‘deputized personnel.’
Mabuti man ang intensyon na ipatupad ang IATF Guidelines sa ilalim ng GCQ, kitang-kita na mali ang pamamaraan na ginawa sa pagpapatupad at pagpapaliwanag sa mga kabataan.
Hindi po natin ito-tolerate ang ganitong pagkakamali. Sa katunayan, nais nating sibakin kaagad sa pwesto ang nasabing kawani ngunit napag-alamang regular employee pala siya mula pa noong 1994. Dahil sa security of tenure, papatawan muna natin siya ng 3 MONTHS SUSPENSION WITH NO PAY habang umaandar ang imbestigasyon ng ating Human Resources Office.
Kung magsampa ng isang formal complaint ang mga apektadong indibidwal para dito ay sisiguruhin nating buo ang ating suporta para hindi na pamarisan ng iba.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily