Julia Barretto, nabuking ng mga netizens sa pagsisinungaling?

Tinawag na ‘sinungaling’ at ‘maarte’ ng ilang netizens ang aktres na si Julia Barretto.

Ito ay matapos kumalat at mag-viral sa Twitter ang isang video clip na tampok ang aktres.

Kuha ang unang bahagi ng video sa vlog ng boyfriend nito na si Gerald Anderson kung saan kumain sila ng street foods.

Ang pangalawang bahagi naman ng clip ay kuha mula sa isang lumang video ng aktres kasama si Ronnie Alonte na nakasama nito sa pelikulang Vince and Kath and James.

Sa YouTube vlog ni Gerald, sinubukan nila ni Julia na tikman ang iba’t ibang klase ng street foods.

Sa nasabing vlog, hindi pamilyar si Julia sa isaw dahil hindi pa umano siya nakakatikim nito. Tila may pandidiri pa siya nang tanungin niya kung anong pagkain ito.

Taliwas ito sa lumang video nila ni Ronnie kung saan masaya silang kumakain ng isaw at sinabi pa mismo ni Julia na nasarapan siya sa isaw.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Dahil dito, agad na kumalat ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang naging komento (published as is).

“Gerald and his amnesia girl byee”

“Not to spread negativity or what, just too funny not to share. Kalami ra sa isaw!”

“Feeling sosyal… Just be yourself kasi cyst”

“The only girl who keeps lying on everyones face wtf :))”

“DEC 2016 lang pala nung kumain ng isaw sila Ronnie and Julia Barretto. haha eto naman si Julia. Limot agad haha”

“Susmi, anu kaya masasabi ni gerald pagnalaman niya pati siya nabudol ni julua para saan ang pagsisinungaling”

“Wag kmi julia ! sobrang pabebe kna kalerke ka !! isaw lg pero isaw ni gerald baka sabihin mo firstime mo dn natikman”

“kung sa maliliit na bagay nagagawa nang isang taong magsinungaling sa mas malaking bagay pa kaya…”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: