Ginang na laging nawawalan ng pera, nasundan ang “nangungupit” na daga

Nag-viral sa Facebook ang isang post ng isang netizen na may natuklasang kakaiba sa pader ng bahay nila.

Sa post ni Sherryl Anlap Tayhopon, ikinuwento niya ang kakaibang karanasan niya kamakailan.

Palagi raw niyang napapansin na nababawasan o nakukulangan ang pera niya kahit na sila-sila lang naman ang nasa bahay.

Hanggang isang araw ay may nakita siyang daga at nagpasya siyang habulin ito at sundan.

Nakita niya itong pumasok sa isang bahagi ng pader ng kanilang bahay hanggang sa hindi na niya ito nakita.

Nagdesisyon siyang pailawan ang bahaging iyon at nasorpresa siya sa kanyang nakita.

PHOTO: Facebook | Sherryl Anlap Tayhopon

Nakita niya ang ilang piraso ng paper bills sa bahagi na pinasukan ng daga.

At nang kuhanin nila ito, nalaman niyang ito pala ang hinahanap niyang pera na nababawas sa pera niya.

PHOTO: Facebook | Sherryl Anlap Tayhopon

May ilang piraso nga lang ng pera na nangatngat na ng daga.

Umaasa siya na maaari pa niyang maipapalit ito sa bangko.

PHOTO: Facebook | Sherryl Anlap Tayhopon

Agad na nag-viral ang nasabing post at inulan ng nakakatawang komento ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga nakakaaliw na komento.

“Nag-ipon ang daga.”

“Ayaw mo nun may savings ka na. HAHAHAHAHA”

“Sayang naman yung mga nangatngat na.”

“Di ko lamm kung matatawa ako o magagalit sa daga.”

“Blessing in disguise yan.”

“Bat mo binukasan ang alkansya ng daga? Di pa puno. Hahaha”

PHOTO: Facebook | Sherryl Anlap Tayhopon

“Wag ka mabwisit. Pasalamat ka.”

“Sana lahat nang daga ay Concern sa mga may ari nang bahay na kanilang tinitirhan😂isa kang mabait na daga at may malasakit.”

“Gnyan dn ginawa ng daga s pera ko nsa 1k puro tig 100 dinadala s loob ng kahon malaki”

“Ganyan dto sa bahay ilang beses na napalo ko pa anak kung panganay bkt laging kulang ang pera,minsan 20 marami 50 at ang pinaka malaki 200 na buo😂tapos noong naglinis ako ng ilalim ng divider andon nakapag ipon siya ng kulang kulang 500″

“Ayw mo dw mamigay ng pagkain Kya kinuha nya pera mo para wla kna pambili ng pagkain .wag masyado madamot”

“May kambal bayang daga nyo akin nalang.. 😂”

PHOTO: Facebook | Sherryl Anlap Tayhopon

“Pahingi isang daga mo para mkapag ipon din 🤣”

“Nangungupit ung saga for future daw 🤣 Sana all my dgang taga ipon,🤣✌”

“Wala ka daw kasi savings kaya nagkusa na ang daga. HAHAHAHA”

“Buti nakita nyo.”

“Isipin nyo na lang na ipinag-ipon kayo ng daga. Sana lang hindi nasira o nakagat ang mga pera”

“Sana all may ipon. 😂😂😂”

“Pwede naman yatang ipalit sa bangko ang mga may kagat.”

“Pa-mine po sa daga.”

Bisitahin dito ang nasabing viral post.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: