Robin Padilla, trending na naman sa social media dahil sa “sariling-sikap” na video

Naging trending topic na naman sa social media ang aktor na si Robin Padilla dahil sa isang video na ini-upload niya sa kanyang social media accounts.

Sa nasabing video, makikita ang aktor at ang mga kasamahan nito na kumukuha ng kanilang sariling swab samples.

Sa kuwento ni Robin, wala na silang choice kundi gawin ito sa kanilang sarili dahil sa kawalan ng mga nurses.

Ayon sa caption nito:

6 ng umaga mag umpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang c0vid test.

basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha kana tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo yun na raw yun. Abbot ant!gen test courtesy of pareng kiko.

Agad nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Sa mismong video sa Facebook page ng aktor, dumagsa ang mga komento.

Karamihan dito ay mula sa kanyang mga tagahanga na pumuri at sumuporta sa ginawa niya.

Subalit marami rin ang mga kumontra at bumatioks sa kanya.

PHOTO: Facebook | Robin Padilla

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Dapat ung mga medical staff gumagawa jan.delikado pag ikaw na hnd na trained or naka pag aral sa ganyan bagay ay baka ibang parts ng nose mo matamasn…”

“Parang hindi yata tama ang ginawa nyo idol, hindi niyo kasi gawain yan, kaya nga may doctor, kasi dapat sila ang gumawa niyan dahil trabaho nila, yan, paano Kong may mangyayari hindi maganda, tapos doctor na naman ang may kasalanan, sa totoo lang hindi pwde ang ganyan, dahi may nurse at doktor tayo sila dapat ang may karapatan gumawa niyan sa atin mga pilipino”

“Tusok mo hanggang utak mo tas galaw galawin mo baka sakaling gumana ang utak mo.”

“dati idol koto hangang ngayun pero ngayun parang ginagawa prang lahat ay alam niya dapat need nyo padin antayin yung nurse kasi mas may alam sila kesa sa ginawa nyo”

“Walang bibilib sa ginagawa niyo, kasi hindi tama yan robin, alam na nga natin ang patakaran NG medical staff, pero bakit tayo parin lumalabag sa patakaran nila hindi yata magandang example yan sa mga tao”

“Bida bida kasi, edi sana ikaw na nag nurse HAHAHAHHAHAHAHA”

“sya nadin mag examine sa laboratory kung positive or negative…..”

“Kaya sobrang hanga ko sayu idol wlang ktulad ka ,,, keep safe idol…god bless also…”

“Legend lupit mo tlaga idol”

“Cowboy ka tlga idol kya idol tlga Kita mas gusto kupa ako mag mag suksok sa ilong ko nang swabstick kc tanchado mo pero kpag nurse parang nkkiliti at masakit hehehe”

“Badboy ka talaga idol lupettttt mo”

PHOTO: Facebook | Robin Padilla

 

Maging sa Twitter ay dumagsa ang pambabatikos at pamumuna sa aktor.

“yan t*nga, kung sino pang walang alam sa anatomy sila pa talaga yung nag kakalat ng misleading informations sa mga tao e. makiliti utak amputek, kayanga nasopharyngeal e jusq”

“he looks so fckn stup*d, can u not put him on the news anymore, fckn please??????”

“he never fails to embarrass himself every month ano”

“Bhi3??? Sure ka sa ginagawa mo bhi3? Baka yung remaining braincells mo ma swab mo bhi3.”

“if you ever feel dumb, remember that this fad exists”

“ANO BANG TINITIRA NETO MUKHANG MAGANDA BIGAY SAYO AH PENGE NAMAN”

“wag araw arawin ang pagiging t*nga pahinga rin minsan”

Panoorin dito ang nasabing viral video.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: