Taxi driver na namamasada para sa maintenance medicines, nabiktima ng pekeng pera

Nag-viral ang post ng isang taxi driver na nabiktima ng pekeng pera ng isang pasahero.

Ayon sa Facebook post ni Danilo Balodong, ikinuwento niya na sumakay ang pasahero malapit sa isang fastfood sa Bagong Barrio.

PHOTO: Facebook | Danilo Balodong

Aniya, pambili sana niya ng maintenance medicines para sa sakit sa puso, diabetes, at high blood ang kikitain sa pagmamaneho ngunit ganoon pa ang nangyari.

Narito ang buong caption ng kanyang post:

Hindi k na naawa.kung cino k man na nagbayad ng pekeng 1k.sumakay ka dito sa tapat ng jollibee bagong barrio.matino akong naghahanapbuhay.marami akong gamot na maintenance para sa sakit sa puso.diabetis.highblood.isang kahig isang tuka lng akong taxi driver da hirap ng byahe ngayon ganito pa gagawin mo ang magbayad ng peke.

PHOTO: Facebook | Danilo Balodong

Agad dinagsa ng mensahe ang comment section ng nasabing post.

May ilang mga netizens din ang nagmagandang-loob na tanungin kung paano sila makakapagbigay ng tulong sa taxi driver.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Npaka walang hiya nman yan gumawa ng ganyan naghahanapbuhay ng maayos nanloloko pakau wala kau awa mgkano lang kinikita ni kuya may maintenance pa sya gmot na iinumin dinkau naawa panginoon na bahala sainyo .”

“kung isa kang taxi driver na matino at di ng lalamang sa pasahero, saludo ako sayo . pero kung isa ka sa mga taxi driver na man lalamang sa pasahero karma yan”

“may cctv sigoro doon sa sinasakyan niya isombong nyo muna kay sir Raffy Tulfo para sila na ang mag tanong doon samay sinakyan nya”

“Mahirap pala kapag ganito what if nasa byahe ka sir??tas bigla kang inatake sa puso at sa di inaasahan naaksidente ka at may pasahero ka??ingatt lagii sirr”

“Ipag pa sa diyos nyo nalang po itay kung sino man po ang hayop na tao ang gumawa nyan sainyo ,, palagi nyo pong tatandaan na pag gumawa kayo nang mali sa kapwa nyo, gagawin din sainyo yun, kaya tay ipanalangin munalang nasana hindi din sakanya gawin yaan ginawa sayo. Godbless tay.”

“Ung nanloko kay tatay sana makatulog ka ng mahimbing ang kapal ng mukha m huwag sana mangyari sa kamag anak mo yang ginawa m kay tatay”

“Kung naibayad npo s iba yn t nlmn fake d npo sn bnlik s ngmmayari.kc mkkpngbiktima p ho yn.”

“Tay same po tayo may nagbayad rin samin ng pekeng 1k☹️ sobra yung pagod tapos ganun yung kapalit nanlumo mama ko dahil sa may nanloko pa samin”

“Sana naman wag natin gamitin ang pandemya para gumawa ng mali sa kapwa kapalit ng sariling pangangailangan. Isipin natin na hindi lng tayo ang apektado dito. Lahat ng tao po apektado ng pandemya .”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: