16-taong gulang na estudyante, nasiraan ng bait dahil sa module?

Nag-viral sa social media ang isang post kung saan inihihingi ng isang netizen ng tulong ang kanyang kapatid sa pinagdadaanan umano nito.

Sa Facebook post ni Regine Robles, inilalapit niya sa publiko ang paghingi ng tulong para sa 16-taong gulang na kapatid.

Nais niya sanang mapatingnan ito sa isang psychiatrist kung kaya’t humihingi siya ng tulong-pinansiyal.

Magandang tanghali po. Humihingi po kami ng tulong para sa kapatid ko na may sakit, Humihingi kami ng tulong para mapa psychiatrist ang kapatid ko na si Rochelle Marchan Robles kasi po nananakit na sya.

PHOTO: Facebook | Regine Robles

Binanggit din niya sa post ang mga programa ni Raffy Tulfo at ang Wish Ko Lang sa paghahangad na makakuha ng tulong para sa kapatid.

Sana po matulungan nyo kami na maparating to sa kanila sir Raffy Tulfo okaya sa WishKolang Wala po kaming pera pang pagamot nya. Please po pakitulungan kami sa pamamagitan ng pag tag sa kanila.  😥

Labag man sa kalooban ay napilitan umano sila na itali dahil sa sobrang pagwawala nito.

Naaawa na po kami sa kanya. Maraming salamat po. Sana ay matulungan natin si Rochelle Marchan Robles siya po ay 16years old palang para maranasan ang ganitong sitwasyon. Tinali namin sya kasi nag wawala na sya, dati hindi sya nag wawala, Habang tumatagal lumalala.

PHOTO: Facebook | Regine Robles

Ikinuwento rin niya na bago umabot sa ganoong sitwasyon ang kapatid ay lagi itong nagpupuyat sa modules nito sa eskwelahan.

Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module. Kami po ay taga Tanay rizal, at kasalukuyan po kaming nandito sa tito ko, kasi po hindi namin kaya mapiit kapatid ko, pag nag wawala, Tatlo lang po kami ako at ang mama ko tsaka kapatid ko,

Isinama na rin niya sa panawagan ang paghahanap sa ama na matagal nang hindi nila nakikita.

At ang papa ko po ay matagal na kaming iniwan, Baka po may kilala kayong RENATO DACUNO ROBLES umuwi po ng vizaya papa ko 16years na po siya ng umalis, Wala na po kaming balita sa papa ko.  Maraming salamat po sa inyo. Pakishare na din po. Salamat po.

Agad namang nag-viral ang nasabing post at umani ng mga komento mula sa netizens.

As of this writing, mayroon nang mahigit 2K shares ang nasabing post.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: