Jinkee Pacquiao, nilinaw na hindi pera ang naging habol sa asawang si Manny Pacquiao

Itinanggi ni Jinkee Pacquiao ang mga usap-usapan na pera lamang ang habol niya sa asawang si Manny Pacquiao.

Hindi na raw bago ang tsismis na ito dahil noon pa man daw ay lumulutang na ang usaping ito.

Sa YouTube vlog ng sikat na celebrity doctor na si Vicki Belo, muling pinabulaanan ng asawa ni PacMan ang tsismis na ito.

Dagdag pa niya, pera nga ang isa sa mga naging problema nila dati bilang mag-asawa.

Kwento niya:

Nung nag-asawa nga kami ni Manny, natalo siya nung after kami kinasal. Tapos nung may income na naman na malaki, lagi na nanalo, after kami kinasal. Ayan na naman, pera lang ang habol. Pera? Hay, naku!

Inalala din niya ang mga panahon noong bago pa lamang silang mag-asawa kung saan kinailangan niyang maghanap ng mauutangan para suportahan ang pagboboksing ng asawa.

Madami kami experience na mangutang kami, ganyan. Para lang makapag-ensayo siya sa Davao o Manila. Kailangan may pocket money.

Alam iyon ng mga ninang namin kasi ginigising ko sila nang maaga. ‘Ninang, help me. Help us.’ Ganyan.

Inamin din niya na bagama’t nagiging problema nila ang pera noon, hindi siya kailanman nagduda sa kakayahan ng boxing champ.

No, never. Sumasama ako sa ensayo, ganyan. Hindi ko inisip sa kanya na, ‘Mabubuhay kaya ako nito?’ Parang hindi ako nag-isip ng ganoon.

Hindi talaga. Hindi. Di ba, hindi mo naman ano iyong future? Kumbaga, God holds the future. Hindi mo naman alam ano future mo dito.

Basta, ano lang, nagmahal ka lang, magkasama kayo. May mga ups and downs. Pero hindi mo alam kung ano mangyayari sa future.

Dahil sa narating nilang mag-asawa ngayon sa buhay, mas lalong ipinagpapasalamat ni Jinkee na hindi siya sumuko sa anumang hirap na pinagdaanan nila noon bilang mag-asawa.

Kaya ang payo niya sa mga mag-asawa:

Dapat maging strong sila. Hindi sila agad maggi-give up sa married life nila kasi meron talagang ups and downs.

Mahalaga rin aniya ang pagkapit sa Panginoon para magkaroon ng lakas na kayanin ang lahat.

Kailangan mag-trust ka talaga sa tao para magkaroon ng peace of mind.

Sa kasalukuyan ay 22 taon nang nagsasama sina Jinkee at Manny, at biniyayaan na rin sila ng limang anak.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: