95-taong gulang na lola, aksidenteng nagamit na panggatong ang ipon na 14K pesos

Nag-viral sa social media kamakailan ang kwento ng isang 95-taong gulang na lola na aksidenteng nagamit na panggatong ang kanyang ipon na 14K pesos.

Sa Facebook post ni SarahLie Gahis De Guzman, ibinahagi niya ang ilang larawan ng kanyang lola at ng nasunog nang perang papel.

PHOTO: Facebook | SarahLie Gahis De Guzman

Ayon sa kuwento niya, hindi namalayan ni Lola Honorata Gahis na perang papel na pala ang nagamit nitong panggatong sa pagluluto.

Nanawagan siya ng tulong sa kanyang post.

Gud am mam jesica soho,meron po sana aq ilalapit sa inyo, n sana po matulungan nyo po ang aming lola HONORATA GAHIS na edad 95 taong gulang naninirahan sa bgry.San Juan, Laur, Nueva Ecija, dahil po sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po at sna po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kng ito po ay pde pang mapalitan.. dhil sya po ay nagSasaing ng mga Oras n ngYari po un,. Ilalapit ko po ito sa inyo at sana po matulungan nyo at mapansin nyo po ang aming hinaing o amin pong nais.

Agad nag-viral ang nasabing post at dinagsa ng mga komento mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Pwede pa yan kita pa serial number punta bangko central”

“As far as I know basta po buo po ang serial number at almost 3/4 ng pera ay buo pa.. Good po yan…”

“Kawawa mn c lola pgipon nya tapos nsonog”

“Wag po kayo mag alala lola puwede p po palitan yan Basta my serial number p”

“Dalhin sa bangko at maki usap magdala ng valid id para di pabalik balik or kung meron may acount sa bangko i deposit tsaka i widraw…”

“Sayang nman ung inipon ni lola sana pang gastos mo nayan sa pambili mo ng mga gamot at iba mong pangangaylanga”

“Pwede pa po mapalitan yan. Dilapidated bill ba ang tawag dun?”

PHOTO: Facebook | SarahLie Gahis De Guzman

Samantala, sa Facebook page na Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano, ibinalita na nakatanggap na ng tulong si Lola mula kay Nueva Ecija Governor Oyie Matias-Umali.

Napalitan na ang pera nito na aksidenteng nagamit na panggatong.

PHOTO: Facebook | Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano

Narito ang caption ng nasabing post:

HAPPY NA SI LOLA! 💙

Naantig ang puso ni Governor Oyie Matias-Umali nang makita niya sa social media ang kwento ni Lola Honorata Gahis, 95 taong gulang, mula sa Barangay San Juan, Bayan ng Laur.

Habang nagsasaing, aksidente umanong naisama sa panggatong ang isang bungkos ng pera na inipon nang matagal na panahon ni Lola Honorata. Aabot sa 14,000 pesos ang halaga ng nasunog na pera ni Lola.

Agad na ipinagutos ni Governor Oyie Matias-Umali na hanapin si Lola, at ngayong araw ay naihatid na sa kanya ang 14,000 pesos na kapalit ng mga nasunog niyang salapi. Labis ang pasasalamat ni Lola at nangako na iingatan na niya ang perang ipinagkaloob sa kanya ng butihing Ama ng Lalawigan.

PHOTO: Facebook | Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!