Video ng pari na inakusahan ng pakikiapid, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang isang video ng isang lalaking galit na galit na habang kinukompronta ang isang paring Katoliko sa San Fernando, Pampanga dahil sa umano’y pakikiapid nito sa kanyang asawa.

Sa galit ng lalaki ay inihampas at sinira niya ang hawak-hawak na portrait ng kanilang pamilya sa harap ng pari habang nasa social hall ng simbahan kung saan nakadestino ang pari.

Kita rin sa limang-minutong video ang paghagis niya ng bag at maleta at sinabing iiwan na ang misis niya sa pari.

Sa tindi ng galit ay naisumbat pa ng lalaki ang isa sa mga sampung utos na “thou shall not covet thy neighbor’s wife.

Nagawa namang mag-sorry ng pari ngunit lalo lamang itong ikinagalit ng lalaki.

Paulit-ulit niyang inihampas ang hawak na family portrait at sinabing nasira na ang kanyang pamilya.

Kasama din ng lalaki ang anak nilang mag-asawa na nagsabing pinaiimbistigahan na ang pari.

Base sa video, mahihinuha na malapit sa pamilya ang nasabing pari.

Sa kabuuan ng video ay tahimik lang pareho ang pari at ang misis ng lalaki.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nagpadala ng mensahe si Archbishop Florentino Lavarias ng Archdiocese of San Fernando.

Sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ito sa mga sangkot sa viral video.

Ipinagdarasal umano nila ang patnubay ng Diyos para magkaroon ng linaw ang nasabing issue.

Agad nag-viral ang video at umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“kapampangan ang sabi ng lalaki among heto na ang damit at gamit ng asawa ko , ikaw na bahala sa kanya, wag mo lang sasaktan dahil babalikan kita, sinira mo ang pamilya ko imbis na pangaralan mo iniyot mo, ngayon apektado ang mga anak ko”

“Dios ko alam mo kadalasan gumagawa ng masama pari kadalasan mga pinoy..pag pinoy na pari wLa aq masayado tiwala mas gusto ko pari mga banyaga .”

“Magdasal ka ng 1million na Ama namin father. Para mabawasan minus points mo sa taas!!!!”

“Minus 100 points ka sa langit father.”

“Kaya dont put your faith on people, people will always tend to dissapoint, but not the God above, only put your faith in God alone.”

“Kahit gusto nung babae pero pari ka dapat ikaw ang umiwas.pero likas na na cguro sa ugali ng pari un gawain nya,mas maganda talaga na direkta magdasal sa diyos.wag na dumaan sa pari,bakit?paano pakikinggan ng diyos ang dasal mo na dinaan mo sa pari kung mas masama pa pala sa iyo un pari tulad nito.tapos magkukumpisal ka,sasabihin ng pari ikaw ay pinatatawad na sabay bigay ng abuloy.paano ka nkakasiguro na pinatawad ka ng diyos kung mismo may hay*p pa ang pari.”

“Salamt po among isa ka s nagturu sakin para mgbagong buhay. Dakal a dakal po slamat po among”

“Tao lang din naman Ang mga pari wag nman sana Tayo humusga dahil Dyos Lang Ang may karapatang humusga.sanay maging aral natu sa kaparian at sa mga babaeng may asawa na dapat maging tapat Tayo sa ating mga asawa dahil di maganda pakinggan o tingnan”

“Father Homer is one of the best singing Priest of Pampanga probably in the Philippines pa and that I am so proud of, idol ko yan since bata pa ko and attending his mass gathering cause you will definitely feel the message of a song everytime he sings in a mass but now he is facing and engaged into something like this that I never expected at all, GODbless you among si Lord na po bahala sa inyo and kung ano mang mangyayari pa”

“Ang bilis mag husga ng tao. One side pa lang naririnig nyo. Ang sigurado ako pag totoong ginawa yan ng Pari tanggal yan sa pagka Pari. Hindi po perpikto ang simbahan pero itinutuwid ang mali. Ang pagkakamali ng isang Pari hindi pagkakamali ng lahat na Pari. Kung ang 12 apostol nga may isang nag hudas mayron pa naman 11 na matuwid na natitira.”

“Labas nalng padre. Para di nakkahiya sa simbahan. Harapin mo kaso mo. Dun naman sa pumipigil ng maglabasan ng saloobin. Kung totoo man wala kayong karapatan”

“Huwag lahatin o mawalan ng tiwala sa ating kaparian sabi nga nyan isolated case…nakakapanghinang malaman dahil to much expectation tayo sa alagad ng simbahan…naway maging aral o babala ito na sana kahit tao parin kayo ay umiwas sa gawaing taliwas sa pinapalaganap ng simbahan…”

Panoorin ang viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!