Maja Salvador, tinanggihang makasama ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa isang teleserye

Ibinunyag ni Maja Salvador na tinanggihan niya dati ang alok na maging bida sa ABS-CBN teleserye na Init Sa Magdamag.

Kung tinanggap niya ito, magiging leading lady sana siya ng dating boyfriend na si Gerald Anderson.

PHOTO: ABS-CBN

Sa kasalukuyan ay umeere na ang nasabing teleserye sa mga ABS-CBN platforms at ito ay pinagbibidahan nina Gerald at JM De Guzman. Kay Yam Concepcion naman napunta ang role na unang inialok kay Maja.

Sa isang panayam kay Maja kasama si G3 San Diego para sa Mega Entertainment, ikinuwento niya ang dahilan kung bakit niya tinaggihan ang nasabing role.

Ayon kay Maja, simula nang magkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Rambo Nuñez, naging mas maingat na siya sa pagpili at pagtanggap ng mga trabaho.

Ikinukonsidera raw niya ang damdamin ng kanyang kasintahan sa pagpili ng mga roles na gagampanan.

Bago pa nga lang ‘yung relationship namin (ni Rambo), tinodo ko na eh. As in kasi ‘di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work. So walang makakapigil sa akin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit ‘di comfortable ‘yung ka-relationship ko. I do it because it’s my work.

At dahil nga alam niyang lagi siyang todo-bigay sa mga eksena, mas pinili niyang mas pahalagahan ang relationship nila ng kasintahan.

And then, nung nagkabalikan kami ni Rambo, meron akong moment na gusto ko mag-work ‘to. Baka kaya hindi nag-wo-work kasi wala akong pakialam. Kasi sarili ko lang iniintindi ko parang hindi ko pinapahalagahan yung nararamdaman ng partner ko. So ‘yun ‘yung nag-start na kinausap ko ‘yung mga bossing, ‘I want this relationship to work. Sorry po.

Naging magkasintahan din sina Maja at Gerald sa loob ng dalawang taon bago sila nagkahiwalay noong 2015.

Taong 2018 naman nagkabalikan sina Maja at Rambo na naging kasintahan din niya dati.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: