Nag-viral ang isang Facebook post ng isang college teacher na nagkuwento tungkol sa isang nakakabilib na estudyante.
Sa Facebook post ni Justin Veras, isang college instructor sa Quezon City, ibinahagi niya ang ilang screenshots ng kanyang online class.
Ibinahagi rin niya ang inspiring na kuwento ng isa sa mga estudyante niya.
This student got my attention! He is one of my students in Computer Engineering Program.
Aktibo naman daw sa diskusyon ang nasabing estudyante at nakikisali sa pagsagot sa ilang tanong niya sa klase.
Habang nagdidiscuss ako, He participates in my class by answering some of my questions about the history. Tapos sabay sabing “Sir, Pasensya na kayo nasa construction site po ako”
Hindi raw muna niya pinansin ang sinabi ng estudyante dahil nasa kalagitnaan siya ng discussion.
At hindi niya inaasahan ang sumunod niyang nakita sa camera ng estudyante.
Pero, While I am busy explaining about our topic. Napansin ko na MAY NAGPAPALA, MAY HAGDAN AND ETC. sa place niya and it shows that he is working while listening to my lecture then maya maya sya babalik sa cp screen niya to give his opinion about the topic….. and my heart was really touched. GRABEEE!
Dito na raw naantig nang husto ang puso niya sa sitwasyon ng kanyang estudyante.
Could you imagine how students dealt with this situation under the new normal education system. Sa totoo lang kahit akong teacher napapagod at nahihirapan sa sistema. Pero, Nahiya ako sa sipag ng estudyanteng ito. Pinaalala mo sakin na gaano man kahirap ang dinadanas natin dapat natin itong labanan para sa mga pangarap natin at para sa mga umaasa sa atin! GOOD JOB Kapatid!! Pagpalain ka sa mga hakbang na ginagawa mo patungo sa mga pangarap mo! 💪💪
Hindi niya inakala na magiging viral ang nasabing post.
As of this writing, mayroon na itong 49K shares.
Dahil dito, ginamit na ni Sir Justin ang oportunidad na makatulong sa kanyang estudyante.
I couldn’t imagine that this post will inspired a thousands of people. Now, I want to take this opportunity to ask your good heart to help my student with his school needs such as loads and maybe we can contribute for his financial obligation in school like miscellaneous fees and etc.
Kumatok na siya sa mga puso ng netizens na may kakayahang makapagbigay ng kahit na kaunting tulong para sa estudyante.
To those kindhearted people who wants to send their help even piso piso. It will help him a lot.
Rest assured that all of your help will directly sent to him. I will update you through this comment section.
At kinabukasan nga lamang, nagbigay agad siya ng update tungkol dito.
Nagbahagi rin siya ng screenshot ng kanilang conversation ng estudyante.
Ibinalita niya sa estudyante na nakalikom na siya ng halos sampung libong piso bilang tulong dito.
Agad naman itong ipinagpasalamat ng estudyante.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily