Angel Locsin, ‘sinabon’ ng isang galit na galit na lola sa isang viral video

Viral ngayon sa social media ang video ng isang lola na buong-tapang na nagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang community pantry na itinayo ni Angel sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Hindi kasi napigilan ang pagdagsa at pagkakagulo ng mga pumila na nagnais makakuha ng kaunting tulong mula sa pantry.

PHOTO: ABS-CBN News

Inatake sa puso at namatay ang isang senior citizen habang nasa pila sa nasabing community pantry.

Agad namang inako ng aktres ang pagkakamali at responsibilidad sa nangyaring insidente.

Samantala, sa video ng isang lola na ngayo’y pinagpapasa-pasahan sa social media, pinaulanan niya ng hindi magagandang salita ang aktres.

Galit na galit niyang binatikos ang ginawa nitong pagtatayo ng community pantry.

Narito ang ilan sa mga naging pahayag niya.

“Ikaw talaga mapapel kang babae ka.”

“Gusto mong umupo? Maupo ka sa inidoro!”

“Ginawa mo ‘yan, pagdusahan mo ‘yan.”

“‘Di ‘yan pagtulong kundi pagdurusa, ginawa niyong busabos ‘yung mga tao.”

“Kung bata-bata lang ako at nandiyan ako, sinabunutan kita d’yan eh!”

Tinawag din ng lola na komunista ang aktres.

“Ano isusustento mo sa pamilya, humingi ka lang ng sorry?”

Matatandaang kasabay ng paghingi ng paumanhin ng aktres ay ang pangako ng pagtulong sa naiwang pamilya ng senior citizen.

Tinanggap naman agad ng mga anak ng namatay ang paghingi ng paumanhin ng aktres at ikinuwento ng mga ito ang mga naging tulong ni Angel sa kanila.

Sa ilang media interview ay sinabi rin ng mga anak na wala silang sinisisi sa pagkamatay ng kanilang ama.

Dahil sa mga sinabi ng lola sa viral video na ito, agad itong inulan ng batikos mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento nila.

“Ito ung matanda na walang pinagkatadaan nakiki sawsaw pasa mga bagay na dnaman nya kayang gawin.yang taong hinahanak mo marami nang natulongan ikaw ba marami kanaring natulongan kong maron man manahimik kanalang pero kong wala magpahinga kanalang.”

“Grabe ka naman po Lola!!!!”

“Kailan pa po naging masama ang tumulong??”

“Grabe!!!! Anong utak at character ka po???”

“Hindi ako mahilig sa mga artista pero bilib na bilib ako sa mga taong kagaya ni Angel Locsin. Hindi lang basta tumutulong. May totoong puso ng pagtulong. Hindi para magpasikat lang…”

“Lola..wala kang karapatang magsalita ng di magaganda kay angel locsin…matagal nang tumutulong yan…at di nya kasalanan ang nangyari sa taong yon…Dios lang ang nakakaalam kung bakit namatay ang tao na yon…magpalit kaya kayo ng sitwasyon ni angel…ikaw ang minumura…ano ang mararamdaman mo ha…ingat ingat din sa pagsasalita ng di maganda…nakakahiya ka lola….”

“Tingnann mo muna sarili mo bago mo isisi sa iba kasi ikaw mismo wala kang na iitulong minamaliit mupa si angel …. Magpasalmat tayonsa panginoon dahil may mabuti pangtao na gusto makatulong kahet papano kesa sayo lola na walang urbanidad”

“Dami mong sinasabi.ikaw ikaw ba may n itulong na sa kapwa mo.khit Sino hende ginusto nang tao n mamatay si tatay.pang tomulong.kaba sa kapwa m agad agad uupo”

“K.grabi knaman lula.wangkang Kang mang .husga agad aga??”

“Opinyon ko lang po hinde masama ang tumulong sa hirap ng buhay ngaon dahil sa covid khit sinong tao na kumakalam ang sikmura gagawin ang lahat may makain lang o maipakain sa pamilya kya wag nyong sisihin c angel locsin kc hinde nman nya kgustuhan ang nangyari kay tatang”

“bakit po lola maynaitulong kman po ba ha..ta subra kang magsalita jan na gurang ka..”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: