Angeline Quinto, ipina-Tulfo si Erik Santos?

Ginulat ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang mga tagahanga nang mag-post ito ng isang edited na larawan sa kanyang Instagram account.

Maayos tayong nag umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs @eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy. 😂😅🤣😬😬😬😬😂🤣😅

Ito ang caption ng isang larawan kung saan makikitang kasama ng aktres sa screen sina Erik Santos at Raffy Tulfo.

Kilala na ng publiko si Raffy Tulfo at ang programa nito na sumbungan at takbuhan ng mga naaapi na nais humingi ng tulong para makakuha ng hustisya.

Sa comment section ng post, makikita ang tila pagsakay ni Erik sa post na ito.

Bakit kailangan tayo umabot kay Tulfo Ge??? Sana pinag usapan na lang natin ng maayos ang lahat. 😂😂😂

Sa larawan kasi ay makikitang tila inirereklamo ni Angeline si Erik kay Tulfo.

Sinakyan din ang birong ito ng ilan sa mga kaibigan nila na nag-iwan din ng komento sa nasabing post gaya nina Klarisse De Guzman, Kyla, Kim Chiu, Darren Espanto, at iba pa.

Matatandaang napabalitang nakarelasyon ni Angeline noon — bagay na itinaggi naman ng aktres at sinabing naging malapit lang silang magkaibigan at hindi sila naging magkasintahan ‘officially’.

PHOTO: ABS-CBN News

Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin pa rin silang malapit sa isa’t isa.

Napapanood silang pareho sa ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To.

Pareho din silang hurado ng Tawag ng Tanghalan sa noontime show na It’s Showtime.

PHOTO: ABS-CBN News

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: