Rudy Baldwin, nahulaan ang pagkamatay ng isang kilalang direktor?

Usap-usapan na naman sa social media ang kilalang psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ito ay kasunod ng pagpanaw ng batikang direktor na si Toto Natividad.

Ayon sa mga followers ni Rudy, tila nahulaan nito ang pagpanaw ng nasabing direktor.

Sa Facebook post kasi ng psychic noong March 29, sinabi nito ang kanyang pangitain tungkol sa pagpanaw ng tatlong kilalang personalidad sa larangan ng showbiz.

Narito ang nasabing post (published as is).

Tatlong tao  kilalang  sa mundo ng showbiz ang nakikita ko na mag papaalam na sa mundo natin.isang lalaking beteran na director at ang kanyang mga nilikhang pelikula ay nakilala at pumatok sa takilya .isang magaling na director ito na minamahal at hinahangaan ng bawat artista.#ang isang sikat na artista ay babae .matawag kung kahit saan mo sya ilagay sa larangan ng showbiz ito ay kinagiliwan ng lahat at minsan ay ginagamit sa pag tiktok ng ibang mga vlogger .matawag kung sya ay magaling na artista sa kapanahunan ng kabataan nya hanggang ngayon.#ang isang artista ay babae din ito magaling sya sa larangan ng musika at sya ay gumanap din sa pelikula at pag host.lahat tayo ay mawawala sa mundo lahat ng bagay aye hangganan

PHOTO: Facebook | Rudy Baldwin

Isang araw matapos ang post ay napabalita na nga ang pagpanaw ng OPM icon na si Claire Dela Fuente.

Sinasabi ng ilan na maaaring ito ang tinutukoy sa pangitain ni Rudy na babaeng “magaling sa larangan ng musika”.

Halos isang buwan naman matapos ang nasabing post ay napabalita na ang pagpanaw ng kilalang action director.

Ang tanong at palaisipan tuloy sa marami ay kung ito na nga ba ang tinutukoy sa hula ni Rudy na papanaw na beteranong direktor.

Para sa mga naniniwala sa mga hula, babala lamang naman ang mga pangitain na kagaya ng binanggit ni Rudy.

Wala naman nga kasing maaaring makapagsabi ng mga eksaktong mangyayari sa ating buhay at sa ating paligid.

Kagaya rin ng sinabi ni Rudy sa kanyang post:

Ang mahalaga ay pahalagahan natin ang bawat oras ng buhay natin at magpasalamat sa Diyos sa bawat araw ng buhay natin. Huwag kalimutan ang manalangin palagi.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: