Jhong Hilario, buong-pagmamalaking ipinakilala ang baby sa ‘It’s Showtime’

Nasorpresa ang ‘madlang people‘ kaninang tanghali nang magkaroon ng special participation ang ngayo’y naka-leave na co-host ng programa na si Jhong Hilario.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagpaalam pansamantala si Jhong sa mga ABS-CBN shows niya upang bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng kanilang anak ng long-time girlfriend na si Maia.

Sa opening portion ng noontime show kanina ay nagkaroon nga ng online kumustahan sa pagitan ng mga hosts at ng ‘sample king’.

Dito niya masaya at buong-pagmamalaking ipinakilala sa ‘madlang people‘ ang kanyang pinakamamahal na ‘sample princess‘ na si Sarina.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Kitang-kita ang pagka-miss ni Jhong sa kanyang mga co-hosts sa programa.

Nalulungkot ako kasi nakikita ko kayong nagsho-show… nakaka-miss.

Nang kumustahin ni Vice Ganda ang pagiging ama, masayang nagkuwento si Jhong na isang first-time dad.

Sobrang saya. Parang every day, napaka-precious ng araw. Kapag nakikita mo siya, kapag pinapaliguan mo siya, pinapatulog mo siya, pinapatawa mo siya. Sabi ko kasi, siguro talagang blessing na rin na talagang nandito akong katabi niya. Kasi ang bilis niyang lumaki. 

Naging emosyonal siya nang mabanggit ang pagka-miss niya sa kanyang mga katrabaho.

Nami-miss ko kayo sobra, guys. Alam n’yo kung gaano ko kayo kamahal. Alam n’yo kung gaano ko kamahal ang show. Ginagawa ko talaga lahat yung best ko para lang makapagpasaya ng tao. Kailangan lang talaga.

Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa  mga kasamahan niya sa show dahil inintindi nila ang kalagayan niya ngayon.

Nangako naman siya na magbabalik siyang muli sa show para mas makapagpaligaya pa ng ‘madlang people’.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: