Nag-viral ang isang Facebook post kamakailan tungkol sa kahanga-hangang ginawa ng isang 9-taong gulang na lalaki sa Occidental Mindoro.
Nakilala ang bata na si Ornelo Sinagmayon o Don-Don, ang batang nag-donate ng kalahating sako ng kamote sa community pantry sa kanilang lugar.
Narito ang buong post ni Jon Christoper:
Ito si Cornelo, 9 yrs. old, kapatid natin mula sa komunidad ng mga Indigenous People dito sa Sitio Siapo, Brgy. Pinagturilan, Occidental Mindoro.
Ilang sandali matapos i-anunsyo ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan ang aming isinasagawang community pantry at sabihin na maaari silang magbigay ng mga pagkain para makatulong sa iba, lumapit siya sa amin at inabot ang halos kalahating sako ng kamote. Bigay raw ito ng kanilang pamilya.
Sa aming tuwa, binigyan na rin namin sila ng ilan sa aming mga dala.
Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong.
Salamat Cornelo sa patuloy na pagbibigay buhay sa espiritu ng bayanihan. Mananatili kayong inspirasyon para sa amin.
Sana rin ay mas dumami pa ang mga magbigay ng tulong lalo na para sa mga kababayan nating Indigenous People. Sobrang nahihirapan at naaapektuhan rin sila sa mga nangyayari ngayon.
Gaya nga nang narinig naming kanta kanina mula sa isa pa nating kapatid na katutubo, ‘Kaming mga Mangyan ay tao rin, may damdamin at pangangailangan,’
Tao sila. Mga mabubuting tao.
Kaya kung kinakaya nilang magbigay sa kanilang mumunting pamamaraan, sana ay tayo rin.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nag-donate ang batang ito sa kanilang community pantry.
Ayon sa ina ni Dondon na si Marialyn, ang kamote na ibinigay ng kanyang anak ay galing sa sarili nilang pananim.
Dahil sa ipinakitang kabaitan ni Don-Don, nagdesisyon ang organisasyon nina John Christopher na bigyan ng mga groceries ang pamilya nito.
Maliban dito, muli nilang pinuntahan si Don-don sa tahanan nito para sa isang malaking sorpresa.
Narito ang post ni John Christoper.
Muli namin silang pinuntahan para ipaalam na ang buong Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee ay nagpledge na ng full scholarship mula elementary hanggang college para sa kanya.
Masaya daw siya at matutupad na ang pangarap niyang maging ‘sir’ o guro.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily