Robin Padilla, umatras sa sariling hamon matapos kumasa ang isang AFP colonel?

Tila napaatras sa sariling hamon ang aktor na si Robin Padilla matapos kumasa ang isang colonel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tinanggap ni Col. Michael Logico ang hamon ng aktor na magtayo ng anti-Chinese militia at samahan siya na ipaglaban ang West Philippine Sea (WPS).

Matatandang matapang ang naging mga pahayag ni Robin sa isang Facebook Live video noong April 22.

Eh kung talagang matapang po kayo, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumamabay din tayo roon kasi atin ito. Yung aking pong alok sa inyo ay seryoso. Ako po, pina-public ko ito para hindi tayo nagbobolahan lang.

Hinamon niya sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Ping Lacson, dating Associate Justice Antonio Carpio, at ang singer na si Jim Paredes na samahan siya na magbantay sa karagatan.

Ibinahagi rin ng aktor sa kanyang official Facebook account ang report ng Mindanao Daily Mirror tungkol sa hamon niyang ito.

Screenshot: Facebook | Robin Padilla

Sa comment section ng nasabing post na ito, nag-comment si Col. Logico ng “Call!

Si Col. Logico ang direktor ng AFP Education Training And Doctrine Command, at isa rin sa mga military official na hayag ang pagpalag sa pananakop ng China sa WPS.

Sinagot naman ito ng aktor ng “sir let’s go sir.”

Dito na tila bumuwelta ang AFP colonel.

Sinabi nito na bago maghamon si Robin ay dapat mag-apply muna ito para sa Masters Degree in National Security Administration (MNSA) at Command and General Staff College (CGSC) ng AFP.

Si Col. Logico ang instructor ng nasabing mga training.

Kapag nalusutan na umano ni Robin ang mga training na ito ay maaari nang maging Regional Community Defense Group commander, at doon lang siya puwedeng maghamon sa kahit sino.

 

Sa naging sagot ni Robin sa sinabing ito ni Col. Logico, tila nag-iba na ang tono niya.

Humingi siya ng paumanhin kay Col. Logico kung na-offend umano ito sa sinabi niya sa video.

Narito ang buong pahayag ng aktor (published as is).

Sir you being a decorated ranking officer of the army I salute to you. I apologize if in anyway I offended you with my video. Sir its too late foe me dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it I will just see you there in the high seas not as a foe but a civilian ally. Sir Thank you very much for the warm welcoming in the army sir.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!