Para sa kapitan ng Brgy. Holy Spirit, ang pag-iimbita ng aktres na si Angel Locsin sa social media ang dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa itinayong community pantry para sa kaarawan ng aktres.
Matatandaang nagkagulo ang mga tao sa pila para sa nasabing community pantry noong April 23 sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Isang senior citizen ang namatay habang nakapila at umaasang makakakuha ng ayuda mula sa community pantry.
Agad namang humingi ng paumanhin ang aktres at inako ang pagkakamali, maging ang responsibilidad sa insidente.
Nagsimula po kami na maayos ang aming layunin, pati na ang aming pagpaplano ng social distancig, nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga ang mga tao na kahit wala sa pila, sumingit na po sila.
Hindi naman nagustuhan ni Brgy. Capt. Chito Valmonica ang nasabing pahayag ng aktres at sinisi ang ginawang pag-iimbita ng aktres sa social media.
Sino bang nag-imbita? Eh siyang nag-imbita sa Facebook eh. Pagkatapos ngayong nagpuntahan sasabihin mong kaya pumunta ay nagugutom?
Mali yung sagot mo na yun para sa akin. Hindi maganda. Nasaktan ako dun na para bang ang may kasalanan pa eh ang taumbayan na dahil sa kahirapan kaya pumunta dun.
Ang tinutukoy ng kapitan ay ang Facebook post ng aktres isang araw bago ang kaarawan nito.
Sa nasabing post, sinabi nitong “anyone is welcome” at nagpaalala na sumunod pa rin sa safety protocols.
Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here
👉🏻
Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City
From 10am-4pm or until supplies last 🙂
Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols 🙂
Salamat po!
PS
Volunteers have been tested.
Para sa kapitan, ang imbitasyong ito sa social media ang naging dahilan ng pagdagsa ng tao sa lugar.
Dahil inanounce ni Madam Angel Locsin na yung kanyang birthday ay dito niya gagawin, mga taga iba’t ibang lugar talaga ang pumasok sa atin, kasi nga nabasa nila idol namin puro supporter at idol si Angel gusto nilang bumati, gusto nilang makita at inaasahan nila na may regalo pa si Angel Locsin.
Nagpost siya eh na nag-imbinta sya kasi ang nakalagay nga pala ANYONE is welcome but please make sure to follow protocols.
Isipin niyo para magpost ka ng ganito ano ba ibig sabihin ng ANYONE IS WELCOME.
Pinag-iisipan na ng pamunuan ng barangay ang pagsasampa ng kaso laban sa aktres.
Samantala, taliwas naman sa pahayag ng opisyal ng barangay, sinabi ni Angel na nakipag-ugnayan umano ang kampo niya sa barangay, munisipyo, pulisya at military officials para sa crowd control sa nasabing aktibidad.
Idinaan rin niya sa isang Facebook post ang paghingi ng paumanhin.
sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.
Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.
Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.
Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.
Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.
Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.
Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay.
Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.
I am very very sorry.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily