Angel Locsin, sasampahan ng kaso dahil sa nangyari sa kanyang community pantry?

Pinag-iisipan na umano ng pamunuan ng Brgy. Holy Spirit ang pagsasampa ng reklamo laban kay Angel Locsin dahil sa nangyari sa itinayo nitong community pantry sa lugar.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, hindi umano nakipag-ugnayan sa kanila ang kampo ng aktres kung kaya’t walang nailatag na plano ukol sa crowd control sa lugar.

Ang pamamahagi ng mga pagkain sa nasabing community pantry ang magsisilbing selebrasyon sana ng kaarawan ng aktres kahapon, April 23.

PHOTO: Facebook | Rappler

Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, hindi nakontrol ang pagdasa at pagkakagulo ng mga tao na nagnanais na makakuha ng ayuda.

Isang senior citizen din ang inatake at binawian ng buhay habang nakapila at umaasang makakauha ng ayuda mula sa community pantry.

Samantala, taliwas naman sa pahayag ng opisyal ng barangay, sinabi ni Angel na nakipag-ugnayan umano ang kampo niya sa barangay, munisipyo, pulisya at military officials para sa crowd control sa nasabing aktibidad.

Sadyang hindi umano kinaya ng mga barangay tanod at at iba pang umaalalay sa crowd control ang pagdagsa ng mga tao.

Sa pamamagitan ng isang Facebook Live video, agad humingi ng paumanhin ang aktres sa mga naabalang tao at sinabing ang tanging intensyon niya ay ang makatulong sa mga nangangailangan.

Sa isang Facebook post din niya idinaan ang hindi magandang balita tungkol sa nangyari sa isang senior citizen na nakapila para sa ayuda.

Narito ang nasabing post (published as is).

sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.

Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.

Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.

Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.

Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay.
Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

I am very very sorry.

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang tanggapan ni Quezon City Mayor joy Belmonte ukol sa insidente.

Narito ang buong pahayag.

We are deeply saddened by the untimely death of Mr. Rolando dela Cruz, 67 years old, who perished during a community pantry organized by actress and philanthropist Angel Locsin.

The city government will shoulder the burial expenses of Mr. dela Cruz, and will extend financial assistance to his family.

While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU. The barangay and local government are here to assist with crowd control and health protocols, to ensure that untoward incidents are minimized.

Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive. Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today’s events.

My dear QCitizens, let us continue to be kind and compassionate, but practice foresight while doing both.

PHOTO: Facebook | Quezon City Government

Samantala, sa ulat ng TV Patrol sa ABS-CBN, sinabi ni Jenifer Fosana, anak ng nasawing senior citizen, na wala silang sinisisi sa nangyari sa kanilang ama.

Masakit pero wala naman may gusto na may ganito, hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto.

Hindi rin daw sila pinabayaan ng aktres.

Nandoon po si Angel Locsin pinuntahan siya sinagot na raw lahat hindi sila pinabayaan doon.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!