Mga babaeng nahuli sa CCTV na nanlimas sa community pantry sa Pasig, nagsalita na

Nag-viral sa social media ngayong araw, April 20, ang isang CCTV footage kung saan makikita ang isang grupo ng mga babaeng nilimas ang laman ng isang community pantry sa Pasig City.

Sa viral video, kitang-kita ang paglapit ng nasabing grupo ng mga kababaihan na naglabas ng mga dalang lalagyan at dali-daling isinilid dito ang lahat ng pagkain na nasa mesa na nagsisilbing community pantry.

PHOTO: Facebook | Carla Quiogue

Huli din sa CCTV ang pagbitbit ng isang babae sa dalawang tray ng itlog na naroon.

Sa isang iglap, nasimot ang community pantry na para sana sa buong komunidad.

Naging usap-usapan ito sa social media at agad na inulan ng batikos ang mga babaeng nasa video.

(Basahin ang kaugnay na ulat dito.)

Sa ulat naman ng 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, humarap ang dalawa sa anim na babaeng nakuhanan sa CCTV upang magbigay ng panig hinggil sa insidente.

Naka-blurred ang kanilang mukha at itinago lamang sa pangalang “Ika” at “Shawie“.

Ayon sa pahayag ni Ika, may permiso ng barangay tanod at ng may-ari ng community pantry ang pagkuha nila ng mga pagkain na kanila rin naman daw ipinamahagi sa kanilang mga kapitbahay.

PHOTO: GMA-7 | 24 Oras

Ang paliwanag niya:

“Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, ‘O, sige, okey lang.’

Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan. So pag-uwi namin, namahagi din kami.

Gayunpaman, humingi si Ika ng paumanhin sa ginawa nila.

Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw.

PHOTO: GMA-7 | 24 Oras

Ayon naman kay Shawie, nasasaktan sila sa sinapit na pamba-bashng mga netizens.

Siyempre, nasasaktan po kasi kakaunti lang po din ‘yon. Kaya po namin isoli ‘yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media.

Yung kasamahan po namin, masyado na siyang bina-bash na hindi naman po talaga nila alam ang totoo.

Ipinagtanggol naman sila ng ilang kapitbahay na nagsabing nabahagian ng mga pagkaing kinuha sa community pantry.

Taliwas naman ito sa kwento ni Carla Quiogue na nagpasimuno ng community pantry na ito sa Pasig.

Siya rin mismo ang nag-upload sa social media ng CCTV footage na nag-viral sa mga netizens.

Hala, grabe, pati yung dalawang tray ng itlog nawala, pati yung tray mismo.

Tinawag ko pa nga sila, sabi ko nakalimutan nila yung lamesa. Sabi nila, ibibigay na lang daw nila sa kapitbahay nila.

Sabi ko sa kanila nu’n pwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng kapitbahay ninyo.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras dito.

Samantala, dahil sa nangyari, dumagsa ang donasyon para muling maipagpatuloy ang nasimulang community pantry.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay nagpasalamat si Carla sa mga may mabubuting kalooban na nagpadala ng kanilang mga donasyon.

We are overwhelmed with donations coming in. Mukhang di na po kakayanin ng lifetime table and payong. 🙏🏻 Marami narin donation dito sa Kapitolyo Community Pantry.

We have decided to just roam around nearby areas and look for other community pantries and give donations to each of them.

Maraming salamat po sa mga nagdonate at nagdodonate 🙏🏻 Tuloy tuloy lang po ang pagtulong. Naghahanap lang kami ng safer way to do it 😊

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!