HULICAM: Community pantry sa Pasig, sinimot ng isang grupo ng mga babae

Nakuhanan sa CCTV ang isang grupo ng mga babae na nanlimas ng laman ng isang community pantry sa Pasig City.

Puno ng iba’t ibang uri ng pagkain ang mesa ng nasabing community pantry sa Barangay Kapitolyo.

Kitang-kita sa CCTV ang pagdating ng isang grupo ng mga babae na may kanya-kanyang dalang lalagyan gaya ng eco bag.

PHOTO: Facebook | Carla Quiogue

Nang lapitan nila ang mesa, makikitang pinalibutan nila ito at nagsimula nang magkanya-kanya ng dampot sa mga pagkain.

Kitang-kita rin sa CCTV footage ang pagbitbit sa dalawang tray ng itlog ng isang babaeng kasama nila.

Makalipas ang ilang sandali, nasimot ang lahat ng laman ng mesa.

Ayon kay Carla Quiogue na nagtayo ng nasabing community pantry, “Wala na silang itinira eh.”

Biniro pa nga raw niya ang mga ito na pati sana mesa ay binitbit na nila.

Katwiran daw ng mga babe, ipapamigay nila sa mga kapitbahay ang mga kinuha nilang pagkain.

PHOTO: Facebook | Carla Quiogue

Ayon sa ulat ng GMA News, humingi na raw ng tawad kay Carla ang isa sa mga babae .

Dagdag pa ni Carla, “Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan.

Idinaan din niya sa isang Facebook post ang kanyang pagkadismaya.

Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. 🥺 Sana talagang yun yung kailangan nila.

Agad na nag-viral sa social media ang nasabing CCTV footage.

Panoorin ang video dito.

Sa iba pang nag-viral na Facebook post, nakuhanan rin ng video ang nasabing grupo ng kababaihan.

Panoorin dito.

Ang nasabing community pantry ay hango sa ideya ng nag-viral na community pantry sa Maginhawa, Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non.

Ang layunin nito ay matulungan ang mga kababayan nating lubos na nahihirapan at naaapektuhan ang kabuhayan ngayong pandemya.

Maaring kumuha ng mga pagkain base sa pangangailangan ang kahit na sino at maaari ring magbigay ng kahit na anong donasyon ang sinuman base sa kakayahan.

Agad nag-viral sa social media ang nasabing initiative at ginaya na rin sa iba’t ibang lugar.

Kaya naman dinagsa agad ng batikos mula sa mga netizens ang nasabing viral video.

Narito ang ilan sa mga komento nila.

“Grabe kayo mga ate,kapal ng face,d man LNG kayo nagtira sana pati yung payong at lamesa dinala nyo na PG.”

“kaya hindi uunlad ang Pilipinas kasi may katulad nila..sanay wala na silang katulad😔😔😔abay mga muka namang may makakain eh at kalulusog..bakit ga kinuha nyo lahat..🙄🙄🙄wag sanang inaabuso ang kusang loob na biyaya. Ang sarap sanang tumulong may mga abusado lang talaga na ganito. 😥😥”

“Dapat po pati lamesa inuwi nyo na din po🙄🙄 mga wala huya 😠😠😠 pano nyo po kaya kinain lahat yan, to think na yung iba sa mga foods na yan ehh need din ng ibang tao, ssstkk sssttkkk kakalungkot lng isipin, parang hindi nmn po kita sa mga mukha nyo na nagugutom”

“Ito ung mga chismosang patay gutom sa brgy. Nila🤣🤣🤣”

“Shallaa mga meses lalaki ng eco bag nyo parang nagshopping lng mukhang kasya pa ung payong at lamesa sana dinala nyo nalang din nahiya pa kau iniwan nyo pa”

“Kapal ng mga mukha nio! D kayo magtrabaho! Nakapekpek shorts pa kau halatang patay gutom!”

“Umasa na sa community pantry , hnd naman po lahat mga ate , kung ano lang ung kaylangan nyo sana , parang nag grocery na kayo ehh , pinag ambag ambagan ng mga taong naghirap yan para sa taong bayan hnd para sa isang pamilya lang inubos nyo na po ehh , sana pati ung lamesa at payong tinangay nyo na nahiya pa kayo”

“Sabi nga kung ano lang pangangailangan mo ang kunin mo. Pero wag naman yung sobra, wag maging makasarili, kainis yung mga ganyang tao!”

“Mga baboy na ang mga katawan ndi pa ngpaubaya sa mga wlang wla prang nakaalpas sa kural kulang nlng dalhin ung mesa at payong nkkahiya kau mga kbbae nyo tao nkita kau kung pano nyo sairin ang pantry ndi nmn pra sa inyo lng mhiya kau sa mga anak nyo mga swapang kau nkkhiya kau mga kalalaki ng ktawan umasa sa libre buong mundo mappanood kau sa kasuwapangan nyo”

“Kakapal ng mukha.kalalaki ng ktwan.bkit d nyo nlng binuhat pti mesa at payong.ngtira p kau.nhiya pa kau.busettr n ugali”

“magingat po kayo na nagsasagawa ng community pantry may mga sumusugod at hinahakot ang mga pagkain. mga tirador po yan ng community pantry.”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!