Camille Trinidad, ipina-Tulfo ng umano’y mga babae ni Jayzam Manabat

Kamakailan lang ay naging trending topic sa social media ang sikat na YouTube couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

Maliban kasi sa issue ng umano’y pang-i-scam sa isang graphic artist at umano’ypanggo-ghost sa isang fashion designer, lumutang rin ang issue ng pambababe ni Jayzam.

Dahil dito, ilang araw na naging sentro ng usap-usapan sa social media ang kilalang YouTube couple.

At kahapon nga, April 20, ay nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nasabing issue.

Lumapit kay Tulfo ang dalawang babaeng nadadawit sa kontrobersiya.

PHOTO: YouTube | Raffy Tulfo in Action

Ito ay sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo na umano’y inakusahan ni Camille sa isang Facebook post.

Pinangalanan kasi sila ni Camille bilang mga babae o “kabit” ni Jayzam.

Itinanggi ni Dambie na nagkaroon sila ng relasyon ni Jayzam, samantalang si Nyca ay umaming nahulog ang loob kay Jayzam sa pag-aakalang hiwalay na ang dalawa.

Matapos ang mahabang diskusyon, sinabi ni Tulfo na pare-pareho lamang silang naging biktima, ngunit ang pinaka-naapetuhan ay ang kasintahan ni Jayzam na si Camille.

Pumayag naman si Nyca na humingi ng paumanhin dahil ayon sa kanya ay nagkausap naman na sila ni Camille sa telepono.

I know, Camille, nasaktan ka and nasaktan rin naman ako at lumalakad ang issue. We’ve both been receiving opinions on both sides. Gusto ko mag-sorry sa pagkakataon na, dahil sa pinili kong magmahal, pinili kong maging masaya, nabulag ako sa katotohanang puwede kitang masaktan and I faced the consequences naman na kasi pati ‘yung pagkatao ko nayurakan. ‘Yung image na matagal kong iningatan, nasira na po.

Babae ako, naiintindihan kita.

Samantala, ipiagtanggol naman ni Dambie ang sarili niya.

Kasama niyang humarap sa programa ang ina niya na si Mommy Giliw.

Ayon kay Mommy Giliw, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang humingi ng paumanhin ng anak niya kay Camille.

Ang katwiran niya, si Camille ang nag-post sa social media ng tungkol sa issue.

Kaya nga po kami lumapit sa inyo (Tulfo) dahil gusto namin linisin nila (JaMill) ang pangalan ng anak ko.

Dito na hindi nakapagpigil si Camille at sunod-sunod na ang naging litanya niya sa mag-ina.

Gusto ko lang din po sabihin sa anak n’yo na bago siya sumakay sa sasakyan namin at nakipaghalikan, sana po bukas ang isip niya, bago niya po gawin iyon at bago po kayo magreklamo.

At saka bago po siya mag-isip kung bakit di namin siya sinisisi eh abot po ang sense ng anak niyo ng s*s* sa boyfriend ko.

 

Sana po alam n’yo iyon, at alam n’yo rin naman po may anak ang anak n’yo, may pamilya na po iyan. Pero bakit po niya pinili maging ganyan?

Ang pagkakasabi rin po sa akin ni Jayzam eh gusto niya rin pong maging sugar daddy si Jayzam. Alam n’yo po ba iyon?

Di na nagpaawat pa si Camille sa mga sumunod pa niyang sinabi.

Alam mo Dambie, ang b*bo mo, literal.

Napakakitid ng utak mo, hindi puro s*s* ha.

Dapat di ka nagchachat…

Dapat di ka nakikipaglandian kung alam mong may kabahay na.

Sa huli, buong-pagkumbabang humingi ng paumanhin si Jayzam.

Panoorin dito ang nasabing video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: