Ayan na maam p*t*ng *na mo
Ito umano ang natanggap na mensahe ng guro na si Cham Lijat mula sa isa sa kanyang mga estudyante.
Sa isang Facebook post, inilabas ng guro ang nararamdamang sama ng loob dahil sa insidente.
Batid naman daw niya na lahat ay nahihirapan ngayong panahon ng pandemya.
Sa pandemyang ito, marami ang nahihirapan, marami ang nag-aadjust.
Aminado rin siya na bilang isang guro, ramdam niya ang hirap sa pag-aadjust sa new normal na dulot ng sitwasyon ngayon.
Isa sa mga nahihirapan ngayon ay ang mga teachers. Napakahirap ng pinagdadaanang adjustment para makasabay sa New Normal Education. Lahat ng kayang gawin ay ginagawa upang maipaintindi ang lessons sa mga estudyante. Lahat ng means of communication ay sinusubukan upang mareach-out ang mga estudyante at pati na rin ang mga magulang.
At dahil nga lahat ay naninibago pa sa tinatawag na new normal, mas pinapalawak pa ng mga kagaya niyang guro ang kanilang pang-unawa at pagpapasensya.
Napakalawak na pagpapasensya ang ibinibigay ng mga teachers sa tuwing iseseen lang sila ng mga estudyante at magulang. Ni kahit tawag ay hindi sinasagot ng mga estudyante at magulang, minsan ay binababaan pa ng telepono kapag nalamang teacher ang nasa kabilang linya.
Ngunit aminado pa rin siyang hindi ito madali.
Uulitin ko, napakahirap.
Nagdesisyon siyang i-post ang nararamdaman niya upang mas maunawaan ng mga estudyante at ng mga magulang.
Napapost ako dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko ring mabasa ito ng mga magulang upang maunawaan nila ang dapat nilang maunawaan.
Tungkol sa isa sa mga estudyante niya ang ikinuwento niya sa post.
May estudyante ako na hindi pumapasok sa Virtual Class magmula pa noong Oct. 5 na nagsimula ang klase. Hindi rin sya nagpapasa ng kanyang output. In short, wala syang grade magmula noong 1st Grading.
On my part as his teacher, hindi ako nagkulang sa pagremind sa kanya. Kahit siniseen lang nya ang messages ko ay patuloy pa rin ako sa pagmessage sa kanya. Iniintindi ko sya dahil baka nga nahihirapan sa setup ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education.
Mahal daw niya ang mga estudyante niya kaya mas pinapahaba pa niya ang pasensya.
Malawak na pagpapasensya at pag-iintindi ang ibinigay ko dahil MAHAL KO ANG MGA ESTUDYANTE KO. Anak / Nak nga ang tawag ko sa kanila kahit hindi ko sila kadugo
Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.
Ang hindi ko matanggap ay yung sa kabila ng PAGMAMAHAL na ibinibigay ko ay “P*T*NG *NA MO” ang matatanggap ko.
Nagmessage ako sa kanya ng mga dapat nyang ipasa para makahabol sya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11.
Nagpasa naman sya ng ilan pero ganito ang message nya
“Ayan na maam p*t*ng *na mo”.
Labis siyang nasaktan sa natanggap na mensahe mula sa estudyante.
NAPAKASAKIT. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Binura naman daw ng estudyante ang nasabing mensahe at humingi na rin ng paumanhin.
Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na naiparamdam mo sa akin? Ha anak?
Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko.
As of this writing, mayroon nang 29K shares ang nasabing post.