Sunshine Dizon, magiging Kapamilya na?

Iiwan na nga ba ng aktres na si Sunshine Dizon ang GMA-7 para lumipat sa bakuran ng ABS-CBN?

Ayon sa report ng PEP.ph, mukhang isa nga si Sunshine sa napapabalitang dalawang Kapuso stars na lilipat na sa Kapamilya network.

Napag-alaman umano na dumalo na si Sunshine sa story conference ng teleserye na pagsasamahan ng dati ring Kapuso na si Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Kung totoo nga ang balita, kumpirmado na ang pag-alis ni Sunshine sa GMA network na naging tahanan niya sa loob ng 25 taon.

Huling napanood si Sunshine sa teleseryeng “Magkaagaw” na nagwakas nito lamang nakaraang buwan.

Siguradong marami ang nagulat sa balitang ito dahil halos hindi naman nawawalan ng proyekto si Sunshine sa Kapuso network.

Isa na nga siya sa maituturing na homegrown talent ng network dahil sa iba’t ibang proyekto niya sa loob ng dalawa’t kalahating dekada.

Sa ulat ng PEP.ph, wala na nga raw existing contract si Sunshine sa GMA-7 dahil hindi na siya ini-renew ng network.

Dahil dito, malaya na itong tumanggap ng offer kahit saang network.

Hindi pa malinaw kung pumirma na siya ng exclusive network sa ABS-CBN.

Wala pa rin daw confirmation mula sa manager nitong si Perry Lansingan.

Wala pa ring official announcement mula sa ABS-CBN.

Sigurado namang enggrande ang gagawing pagsalubong at pag-welcome sa kanya gaya ng naging paglipat ni Janine.

Abangan na lang natin ang announcement na manggagaling sa aktres at sa Kapamilya network.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: