Buknoy, may malaking ‘akusasyon’ laban kina Awra Briguela, Ion Perez at Vice Ganda

Trending topic sa Twitter ngayong araw ang pangalan nina Awra Briguela at Buknoy Glamurrr.

Nag-ugat ito sa isang Tiktok live video kung saan kasama ni Buknoy ang kaibigan nitong si Gabo Adeva.

Matatandaang dati nang paulit-ulit na nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Buknoy at Awra dahil sa iba’t ibang issues.

Sa nasabing Tiktok video, napagkatuwaan ni Buknoy na i-impersonate si Awra habang ini-interview siya ng kaibigang si Gabo.

Tinanong si Buknoy (na nagpapanggap bilang Awra) kung bakit ito nalaos sa showbiz.

Agad namang sumagot si Buknoy na dahil binitiwan na siya umano ni Vice (Ganda) para mag-focus na ito kina Carlo.

At idinawit na ni Buknoy ang pangalan ni Ion Perez sa sumunod nitong pahayag.

Oo, akala mo naman mamahalin siya ni Ion.

Si Ion ang boyfriend ngayon ni Vice at magkasintahan na sila sa loob ng mahigit na dalawang taon.

Tahasang inakusahan ni Buknoy si Ion na pineperahan lamang si Vice.

Di niya alam pineperahan lang siya.

Sa tanong naman kung bakit binitawan ni Vice si Awra, ito ang naging sagot ni Buknoy (na patuloy pa ring magpapanggap bilang si Awra):

Malamang ako yung gusto ni Ion, hindi siya.

Nang klaruhin ng kausap niya kung mas gusto ba siya ni Ion kaysa kay Vice, mabilis din itong sumagot ng “Oo.”

Mas naging mapangahas ang sumunod na tanong.

Nagalaw ka na ba ni Ion, Awra?

Agad itong sinagot ni Buknoy (bilang si Awra) at sinabing:

Oo, sa Showtime dressing room, sa dressing room number 5.

Nang tanungin kung hindi ba siya nakunsensya sa nangyari, sinabi niya na hindi raw dahil naulit pa rin naman daw ang pangyayaring iyon.

Agad namang kumalat ang nasabing video sa social media at umani ng batikos mula sa mga netizens.

Panoorin dito ang nasabing kontrobersiyal na video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: